Hagedorn, kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN NG kasong katiwalian sa Ombudsman si dating Puerto Princesa mayor Edward Hagedorn.

Lumalabas sa natu-rang reklamo nina retired general Eduardo Matillano, ng Puerto Princesa City, at Marlene Jagmis, ng bayan ng Aborlan, taong 2009 nang mangutang ang lungsod sa Land Bank of the Philippines ng P10 milyon para sa electric vehicles sa ilalim ng renewable energy program.

Pero wala umanong tala ng actual na pagbili ng electric vehicles, lumi-litaw sa pagsusuri na mula sa sariling bulsa ng dating alkalde nanggaling ang pera na ginamit at pina-reimburse na lamang.

Sa halip din umano na magamit, hinayaan lamang na mabulok sa likod ng city coliseum ang tatlong electric tricycle, isang electric mini jeep at isang electric jeep.

Bukod pa umano sa mga nabulok na electric vehicles, kasama pa sa P10 milyon ang pinambili ng kulay itim na Ford Expedition na hanggang ngayon ay gamit pa ni Hagedorn, sa halip na i-turn over sa lokal na gob-yerno.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.