Habang wala si Ate Dalagita, Minolestiya ng bayaw

SWAK SA KULUNGAN ang isang security guard makaraang ireklamo ito ng pangmomolestiya ng kanyang 17-anyos na dalagitang hipag nang paghahalikan nito at paghihipuan habang natutulog ang huli kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na si Lord Jake Rojo, 29, ng No. 52 PNR Cmpd., Caloocan City.

Personal namang nagtu-ngo sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk – Caloocan Police ang biktimang si Joan (di-tunay na pangalan), 17, 1st year college, ng nasabing lugar, upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa nabanggit na lugar.

Sa reklamo ni Joan, himbing siyang natutulog sa kanyang silid nang maramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kanyang harapan at may kamay na gumagapang sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan saka hinahalikan.

Pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita nito ang kanyang bayaw (suspek) kung kaya’t agad itong napatayo at lumabas naman ng kuwarto ang suspek na parang walang nangyari.

Agad namang nagsumbong ang biktima sa kanyang kuya at humingi ng tulong ang mga ito sa barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng suspek na ang kanyang ginawa ay good night kiss lamang daw.

Subalit, hindi naman ito pinatawad ng biktima dahil matagal na rin itong ginagawa sa kanya ng suspek habang ang kanyang Ate ay nagtatrabaho sa ibang bansa. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.