Habang tumutulong sa retrieval German Tech Diver, Bumula ang Bibig

NAALARMA ANG mga opisyal ng Task Force Kalihim matapos bumula ang bibig ng isang German technical diver habang tumutulong sa retrieval operations sa dalawang piloto sa karagatan ng Masbate.

Agad na isinakay sa rubber boat ang dayuhang diver na si Danny Brumbach patungong pampang.

Conscious ang biktima pero napansing maputla na ito nang iangat mula sa tubig at isakay sa ambulansya para isugod sa pinakamalapit na ospital.

Pero makaraan lamang ang ilang sandali, pinabalik ang ambulansya dahil minabuti ng mga kinauukulan na dalhin muna ang diver sa isang decompression chamber.

Sinusuri na ng isang doktor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasabing diver para malaman ang sanhi ng insidente.

Ayon sa dive computer nito, umabot sa lalim na 60.5 meters ang German diver.

Samantala, nasa BRP Edsa na si Brumbach para sumalang sa decompression chamber.

Una nang nagdesisyon si Navy Captain Rommel Galang na isuspinde muna ang retrieval operations para na rin sa kaligtasan ng iba pang divers.

Pero kinalaunan, sinabi ni Major General Eduardo Del Rosario na walang epekto sa ibang divers ang nangyari kay Brumbach kaya ipinagpatuloy na rin ang pagsubok ng mga diver na maiahon ang bangkay ng mga pilotong sina Captain Jessup Bahin-

ting at Nepalese co-pilot Kshitiz Chand na kasama ni Sec. Jesse Robredo sa bumagsak na eroplano. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 9459 stories on this site.

One thought on “Habang tumutulong sa retrieval German Tech Diver, Bumula ang Bibig