Habang rumeresponde
Babaeng Pulis, Ginulpi ng 4 na Bebot

HINDI PA mapagdesisyunan ng isang policewoman kung magsasampa pa ng kaso laban sa apat na kababaihan na nambugbog sa kanya kahapon alas-3:45 ng madaling-araw.

Una rito, nagkagulo at nagkaroon ng mainit na argumento ang magkakaibigang sina Lyka Besmonte, 19; Honey Lisaso, 22; Diane Asiado, 30; at Carmela Blanco, 19, habang nasa kasiyahan sa bahagi ng Peñaranda Park sa naturang lungsod.

Dahil dito, agad namang rumenspode ang tropa ng Legazpi City PNP sa pangunguna ni PO1 Abion.

Subalit, pagdating sa nasabing lugar, sa halip na ma-kontrol ang pangyayari, ang pulis ang napagbali-ngan ng galit nang nagka-kagulong mga kababaihan.

Maliban sa masasakit na salita, pinagsisipa pa at pinagsusuntok ang natu-rang pulis.

Mabuti na lamang at naawat na ito ng iba pang kasamahan ni Abion.

Samantala, sabay-sabay namang dinampot ang apat na kababaihan at ikinulong sa himpilan ng pulisya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.