Habang pinapanood ng babaeng kaibigan MISIS, HINALAY NG LIVE-IN PARTNER NG BEST FRIEND

HINDI INAKALA NG isang misis na ang kanyang pagpayag na ihatid sa bahay ang kanyang kaibigan ang magdadala sa kanya ng labis na pighati matapos itong halayin ng live-in partner ng kanyang best friend habang nanonood ang huli sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon.

Ang biktima na agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya upang pormal na magharap ng reklamo ay itinago sa pangalang Kate, 21, ng Maypajo ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police habang nahaharap sa kasong rape ang suspek na si Carlos Mia, 51, ng Phase 9, Bagong Silang.

Base sa nakalap na impormasyon sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng bahay ng suspek.

Ayon sa naging salaysay ng biktima sa mga awtoridad, nagpasama sa biktima ang kaibigan nitong si Carolina na live-in partner ng suspek na umuwi sa kanilang bahay.

Pagdating ng mga ito sa bahay ni Carolina, nagkayayaan ang mga ito na mag-inuman hanggang sa malasing at makatulog ang biktima sa loob ng bahay ng kanyang kaibigan.

Habang nahihimbing, naalimpungatan umano ang biktima dahil sa kaluskos na naririnig, kung saan nang pagmulat ng mata nito ay nakita ng batang ginang ang kanyang kaibigan at ang live-in partner nito na nagtatalik.

Nagkunwaring hindi napansin ng biktima ang kanyang nakita ngunit laking gulat na lamang nito nang makatapos ang dalawa sa pagtatalik ay siya naman ang nilapitan ng suspek at sapilitang ginahasa habang nanonood umano ang kanyang kaibigang si Carolina.

Sa salaysay pa ng biktima, hindi na siya makapanlaban dahil sa pagbabanta ng suspek at nang tuluyang makaraos si Mia ay saka lamang nito pinayagang makauwi si Kate.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.