Habang nangongolekta Kolektor ng load, pinatay sa tapat ng tindahan

PATAY ANG ISANG cellphone load collector makaraang malapitan itong barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang sa-larin at tangayin ang malaking halaga ng salapi na nakolekta kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong tama ng bala ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa kanang bahagi ng katawan ang biktimang si Romeo Cayanan, 53, may-asawa ng Pasig cor. Cainta Sts., Maypajo, Brgy. 30, Caloocan City.

Isang follow-up operation naman ng isinasagawa ng Caloocan police para sa pagkakakilanlan at ikadarakip sa mga salarin na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni P02 Rommel Bautista, may hawak ng kaso ng Station Investigation Division Management Branch, Caloocan police, dakong alas-11:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng Amelia’s Store sa No. 91 Zamora St., Brgy. 19, Caloocan City.

Kararating lamang ng biktima sa nasabing tindahan para mangolekta nang biglang sumulpot ang mga suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan si Cayanan na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Bago nagsitakas ang mga suspek ay kinuha ng mga ito ang pera ng biktima na nagkakahalaga ng P100,000.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.