Habang Nakikipag-Sex sa Sementeryo: Lolo, Patay sa Paninigas

PALAISIPAN PA rin ang pagkamatay ng isang lolo habang nasa kasagsagan ng pakikipagtalik sa isang babae sa loob ng pampublikong sementeryo sa Barangay Cogon, Cordova, Cebu.

Ang nasabing biktima ay nakilalang si Laureno Cañete, 67, may asawa at nakatira sa Alegria sa naturang lungsod, habang ang babaeng katalik ng biktima ay isang Gina Pogoy na taga-barangay Poblacion, Cordova.

Sinabi ni PO3 Dennis Samuray ng Cordova Police Station nang pumunta sila sa pinangyarihan sa sementeryo, dumating ang babae na kasama ng matanda at inamin na dinala siya ni Cañete sa nasabing lugar upang doon sila magtalik kapalit ang maliit na halaga ng pera.

Ayon pa sa bebot na habang nasa kalagitnaan sila ng kanilang ginagawang pagniniig ay bigla na lamang nanigas ang biktima.

Dahil sa takot ay tumakbo siya palayo sa sementeryo.

Sa kasalukuyan, isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng matanda upang malaman kung may foul play sa insidente.

Samantala, pumunta na rin sa police station ang asawa ng biktima dahil isang araw na itong hindi umuwi sa kanilang bahay.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.