Habang nakikinig sa music niya
Daniel Padilla, pinagtawanan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose?!

FANS OF Daniel Padilla went ballistic when they learned na pinagtawanan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose ang kanilang idolo.

Nakunan kasi sa video ang dalawa na nakikinig sa iisang earphone at ang sabi ay music ni Daniel ang pinatutugtog nila. After a while ay biglang natawa ang dalawa.

Kalat na kalat na sa social networking sites ang nasabing video at siyempre pa galit na galit ang fans ni Daniel.

“Tawa pa…. cgeh. aminado nmn c daniel n hndi tlga siya singer ee.. hndi porket singer kau pwde nio n syang gnyanin… >.<” sabi ng isang tagahanga ng actor.

“Maaaring di si Daniel ang may pinakamagandang boses sa buong mundo pero isa si Daniel sa pinakamabentang cd sa panahong ito.” OK Lang atlis si dj may araneta wala pang 1hour ubos na ang VIP ticket at Standing nalang available ngaun,” tili naman ng isa.

“Si DJ tinatry nia ung best nia kumanta.. Kumakanta sia para sa mga FANS :) hindi para laitin niyo lng,” sabi naman ng isang disappointed kina Elmo at Julie Ann.

“Very unprofessional ewwww,” parang may pandidiring sabi naman ng isang supporter ni Daniel.

Sino nga kaya ang pinagtatawanan nina Elmo at Julie Anne? Si Daniel kaya iyon? At bakit naman sila natawa?

It would also be interesting to know kung sino ang nagpakalat ng video. May mga kasamang friends sina Elmo at Julie Ann na posibleng kumuha ng video dahil sila-sila lang naman ang naroroon.

Ano kaya ang magiging reaction ni Daniel sa issue na ito? Knowing Daniel, hindi niya palalampasin ang intrigang ito nang hindi siya nagsasalita.

Actually, matabil ang dila ni Daniel. He speaks his mind at wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

Go figure kung ano ang magiging reaction niya.

 

NAKAKATAWA NAMAN ang nabasa naming chika na in-offer-an si Marian Something ng TV5 ng P120 million para lumipat lang ito sa kanila.

Bakit, ganoon na ba ang kumpiyansa ng TV5 na maiaangat ni Marian ang naghihingalo nilang rating?

Actually, mahirap paniwalaan na may ganoon kalaking offer ang TV5 kay Marian. At kung totoo ngang ganoon kalaki, aba’y tiyak na magsasayang lang sila ng datung.

Hindi na naman talaga nagre-rate ang TV shows ni Marian. Palaging talo ang kanyang programa ng katapat nito sa Dos kaya naman it’s not wise to give her that much offer.

One more thing, ‘yung movie nga niya ay hindi pa mai-release dahil sa takot ng producer na hindi kumita. Inurong nga ang playdate nito dahil until now ay pinapanood pa rin ang movie nina Sarah Geronimo at  John Lloyd Cruz.

‘Yan ba ang sikat?

 

WILL JANINE Tugonon be disappointed to know that her crush, The Script vocalist Danny O’ Donoghue, had the habit of flirting with women?

Apparently, girl chaser pala itong si Danny as an article recently came out na nag-flirt ito sa The Voice UK contestant. Napagalitan nga raw ito because inuna pa niya ang paglalandi sa female contestant kaysa sa trabaho niya as coach sa nasabing music talent search.

Nakipag-break si Janine sa boyfriend niyang si Jaypee Santos dahil kay Danny and for doing that ay katakut-takot na lait ang kanyang inabot sa mga social networking site.

Ang tanong, seryosohin kaya siya ni Danny?

Ang isa pang chika, si Janine daw ang nagpakilala sa kanyang sarili kay Danny. True ba itetch?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

30 thoughts on “Habang nakikinig sa music niya
Daniel Padilla, pinagtawanan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose?!

  1. Si daniel lang kilala ko sa article na to hahahah wa pakels kong sino tumawa kay daniel sikat siya kaya malamang maraming inggit. Mhiya hiya din pag me time

  2. ikaw daniel…ok lang naman na pagtawanan ka nila julielmo kasi ang pangit pangit ng boses mo.hindi ka nga cguro na ngalahati kay julie anne eh…sikat ka lang kasi sa ibang tao gwapo ka pero yang boses ipang kaskas mo na lang yan sa yellow ng mas gumanda yan ok.

    • at one thing …baka naman hindi kay daniel yung song na yon…..at syaka hindi naman cguro kayang gawin nila julielmo yun eh…OA naman ng mga fans ni daniel akala mo kagandahan ang boses ni daniel porket padilla.

  3. katuwaan lang naman siguro yung kay elmo and julie ann, even vice ganda made fun of daniel’s song and way of singing, even richard yap, si awel paz  of dzrh, kinanta yung way na pag kanta ni daniel and tawa sila ng tawa. 

  4. ANG KAPAL NAMAN NG DALAWANG ITONG MAGTAWA EH MAS SIKAT PA SA INYO SI DANIEL NOH! EH SI JULIE ANNE NGA HINDI NAPUNO ANG MUSIC MUSEUM HAHAHAHA! SI ELMO MAY HIT SONGS NA BA? HAHAHAHA!

    • they are laughing kasi nakakatawa naman talaga, boses kiki yang daniel nyo! HELL! dalawa nga yung albm, parehas ngang platinum puro naman revival. ewan ko lang kung tigmamagkano ginastos ng fans nyan ni daniel maging platinum lang yung album nya. And its so useless. they have to do that para lang masabi na platinum. yuck! 

      • tama! Pati Abs talent pinagtatawanan boses boses niya. Wag niyo ipagmalaki concert niya if i know mas marami ang guest na singers na kakanta at konti lang ang kakantahin niya. Pera-pera lang yan! Ni walang original song ano ipagmamalaki ni kanta niya NESEW NE LEHET! Paulit ulit na lyrics! Ni hindi marunong magrap! Pamangkin lang siya ni Robin hindi anak kaya di siya dun nagmana!!

      • pamangkin din siya ni BB Gandanghari at…hereditary ang kabaklaan! kaya dapat siyang magbehave or else magkakaanak siya ng jokla?

  5. eh kasi naman mismong mga fans natatawa rin ng palihim, kaya akala nila yung idol nila tinatawanan. malalaos din yan. matira matibay sa showbiz. kung wala kang talent, kahit gaano ka ka-popular di ka magtatagal. 

  6.  hinahanap ko ung vid pero walana dinelete na ata,,,dinaman cguro sinadyang pgtawanan bka nman natawa lng tlaga cla…sa mismong abs nga pinagtatawanan ung pgkakanta nya diba? mismong sa GGV nung ng guess dun cna kathniel ginagaya panga zani vice at tawa cla ng tawa…pati c sir chief nga nkita koung teaser na ginagya din nya c daniel kya wats da big deal…ang  pansinin nyo eang pglaki nadaw ng ulo ng daniel nyan ngaun… madami ng balita sa pgiging maangas nadaw nito at nghahamon pa ng fans o bashers na ala robin padilla…akala koba dti pinupuri ito na mabuting bata at maganda ang pgpapalaki ng magulang dhil dinga daw ngpapaapekto sa kasikatang tinatamo nya ngaun…. pero  it seems na not anymore kc nga super yabang nadaw ngaun…

    • ANJAN PA TEH, HETO OH: http://www.youtube.com/watch?v=xwnYDEtg54w

      WELL, WAG NANG MAG-AWAY-AWAY, MGA KAPUSO AT KAPAMILYA. IN FERNEZ, PANO BA MALALAMAN SA VIDEO CLIP NA YAN NA SI DANIEL ANG PINAGTATAWANAN NILA. KUNG SYA NGA, EH DI DI MAGANDANG ASAL ANG GINAWA NG DALAWA. IN FERNEZ, MAGALING NAMAN KUMANTA ITONG SI JULIE ANN. YON NGA LANG DI NAMAN TAMA NA MANGLAIT NG IBA. KASO, DI NAMAN MALINAW NA SI DANIEL NGA YON. EH LAHAT NAMAN TAYO, GUMAGAWA NG GANYAN, PINAGTATAWANAN ANG MGA SINTUNADO O MAY KAKAIBANG BOSES. YUN NGA LANG, DAPAT PAG NASA SHOWBIZ KA, INGAT KA LANG. OH WELL, ANG HATOL? PATAYIN NA ANG ISSUE NA TOH KASI PARANG WALA NAMANG ISSUE. KUNG SA KORTE ITO, DROPPED AGAD ANG CASE DUE TO LACK OF MERIT. LOL. MAGMAHALAN NA!

  7. Korek,nagsasayang lang ng pera ang tv5 kay marian kung totoo yan..laos na si marian.ni isang tvc waley sya,mga shows nya puro flop…sya ang FLOP QUEEn ng gma

    ang OA naman ng mga fans ni daniel,pano nila nalaman na kanta ni daniel pinatugtug nila eh naka earphone sila..kaloka naman mga fans ni daniel!

  8. napanood ko to sa youtube grabe namn tong julieElmo nato ang kakapal ng fez lalo na yung elmo feeling gwapo , gumawa na lang kayo ng bagong movie ulet JUST ONE SUMMER PART 2 bwahaha

    • pwede ring nag concert na lang uli si julieann sa zirkoh baka makalahati na nya kasi ng nakraang nag concert sya don hindi man lang nangalahati..

  9. Si Anne, hindi marunong kumanta pero and daming kinita sa concert niya. Si Daniel for sure will make a lot of money from his CD and concert at the Araneta. Go ahead, Elmo Magalona and Julie Anne San Jose. Laugh to your hearts content while Daniel is laughing himself to the bank. Yaman na ng bata. Eh kayong dalawa ? Tulo laway pa rin ?

    • AGREE AKO DYAN!!! GMA ARTISTS WILL NEVER BE MORE POPULAR THAN KAPAMILYA ARTISTS THAT IS JUST THE TRUTH!!! FROM LOS ANGELES ETO HA!!! GO KAPAMILYA….

  10. NAKOH, INTRIGA YAN HA. I BET MAGSASAGUTAN NA NAMAN ANG MGA MAKA-ABS CBN AT MAKA-GMA DITO. KALOWIKAHNG NETWORK WAR YAN!

Leave a Reply

Your email address will not be published.