Habang nakasakay sa jeep: May Sayad, Nagparaos sa Harap ng Estudyante

MAGKAHALONG TAKOT at gulat ang naramdaman ng isang nursing student matapos mag-masturbate sa harapan nito ang isang lalaki habang nakasakay ng jeep sa Dagupan City.

Ayon sa salaysay ng hindi na nagpakilalang estudyante, sumakay ito patungong downtown area ng lungsod para umuwi sa kanilang bahay nang maganap ang naturang insidente.

Bigla na lamang umanong inilabas ng lalaki ang kanyang ari mula sa suot na shortpants at tsaka nagparaos sa harap mismo ng dalaga.

Hindi umano makagalaw sa takot at matinding gulat ang nasabing estudyante sa pangambang sa kanya maibaling ang init ng katawan ng kelot na pinaniniwalaang may diperensya sa pag-iisip.

Samantala, dahil sa takot at sobrang panginginig, napagpasyahan na lamang nito na bumaba ng jeep upang makalayo sa malaswang ginawa ng nasabing lalaki.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.