Habang nagsusugal sa lamayan 4 Sugatan sa Bala ng Maingay na Miron

SUGATAN ANG apat na nagsusugal sa lamayan sa patay matapos pagbabarilin ng lalaking sinita ng mga una dahil maingay manood sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan sina Reynaldo Asedera, 37; Freddie Cagande, 26; at Mario Cervantes, 29, pawang ng North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa Tondo Medical Center naman ginagamot sanhi ng tama ng bala sa kanang paa si Joey Yusay, 29, ng nasabing lugar.

Nadakip naman si Rolando Relova, 39, at kalugar ng mga biktima.

Batay sa ulat, alas-2 ng madaling-araw, nagsusugal ang mga biktima sa lamay ng kapitbahay nang dumating ang suspek at nagmiron sa mga nagsusugal.

Dahil maingay ang suspek ay naasar ang mga biktima at kinompronta ang una.

Umalis ang suspek at pagbalik ay sinapak si Asedera bago pinutukan sa hita at nang papalag sina Cagande at Yusay ay pinutukan sa puwet at kanang paa.

Tumakas na ang suspek subalit hinabol ni Cervantes na naging dahilan upang putukan sa kanang hita.

Nagdatingan ang mga barangay tanod at nagawang mapigilan at ma-dala ang suspek sa pres–into habang dinala ang mga biktima sa mga nasabing ospital.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.