Habang Nagpuprusisyon; 6 Sugatan sa Humaharurot na Motorsiklo

SUGATAN ANG limang matatanda at isang bata matapos na mahagip ng humaharurot na motorsiklo habang sila ay nagpuprusisyon sa may bahagi ng Brgy. Villa Hermosa, Daraga, Albay.

Base sa report, bandang alas-7:30 ng gabi habang isinasagawa ng mga residente ng nasabing lugar ang tradisyunal na prosisyon ay bigla na lang sumulpot ang motorsiklo na minamaneho ni Adrian T. Mejino ng Barangay Calongay, Pilar, Sorsogon.

Lumalabas sa pagsisiyasat, nawalan ng kontrol ang motorsiklo kaya nahagip nito ang mga nagpuprusisyon na sina Teresita Asaytuno y Madronio, 57; Henidina Lañosa y Lerio, 73; Celeste Losada y Losiaro, Luz Gaviña y Miraflor, 77; Antonio Bahillo y Morano, 68, at Angelica imperial y Loberanes, 14, kung saan nagtamo ang mga ito ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kagad namang isinugod sa Bicol Regional and Training Hospital si Mejino matapos na tumilapon sa kanyang minamanehong motorsiko.

Samantala, pinag-iisipan pa ng mga biktima kung magsasampa ng kaso kontra kay Mejino matapos na mapag-alaman na wala pala itong lisensya habang ito ay nagmamaneho.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.