Habang nagbabayad ng utang Dating Pulis, Patay sa Riding in Tandem

PATAY ANG ISANG dating pulis makaraang pagbabarilin ito ng dalawang di-kilalang kalalakihan na nakamotorsiklo habang ang una ay nagbabayad ng kanyang utang sa tindahan kahapon ng umaga sa Malabon City.

Agad na binawian ng buhay sa lugar na pinangyarihan ng insidente sanhi ng dalawang tama ng bala ng 9mm at .45 kalibre na baril sa ulo ang biktimang si P02 Ronald Roxas, 48, dating pulis-Navotas, ng Gen. P Borromeo St., Brgy. Longos, Malabon City.

Isang masusing im-bestigasyon naman ang isinasagawa ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan sa mga suspek na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo na hindi na nakuha ang plaka.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng isang sari-sari store sa nasabing lugar habang ang biktima ay nagbabayad ng kanyang utang.

Dito, biglang sumulpot ang mga suspek na naka-motorsiklo at armado ng kalibre .45 at 9mm na baril at walang sabi-sabing magkasunod na pinaputukan ang biktima.

Agad na bumulagta sa lupa at iniwang naliligo sa sariling dugo ang biktima ng mga suspek saka humarurot patakas sa di-malamang direksyon.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nasabing krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.