Habang Lumalangoy sa Boracay Koreano, inatake sa puso

PINANINIWALAANG INATAKE sa puso ang isang Koreano habang lumala-ngoy sa Station 2 sa Isla ng Boracay.

Kinilala ang biktimang si Jeong Ki Cho, 34, residente ng Kyu Ng Giko Songtan City, Jisan Dog, South Korea.

Nabatid na kasama ng biktima ang kaibigang si Tae Min Park na pumunta sa malalim na bahagi ng dagat upang maligo.

Hanggang sa mapansin ni Park na hindi na guma-galaw ang biktima kaya mabilis na iniahon sa tubig sa tulong ng ilang crew pero hindi na ito umabot nang buhay sa Metropolitan Clinic sa nasabing isla.

Nabigo ang mga rumespondeng lifeguard at doktor na i-revive o ibalik ang malay ng naturang Koreano.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.