Habang katalik ang kalaguyo,
Mister, Pinatay sa Saksak ni Misis

CRIME OF passion ang kinasasangkutan ng isang misis matapos patayin sa saksak ang kanyang mister habang nakikipagtalik sa kanyang kalaguyo sa lungsod ng La Carlota noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni S/Insp. Eduardo Corpuz, hepe ng La Carlota Police Station na agad sumuko sa kanilang tanggapan ang salarin na isang Marites, residente ng Central Tabao, bayan ng Valladolid, kung saan, dala-dala pa nito sa pagsuko ang ginamit na patalim sa pagsaksak sa kanyang asawa na kinilalang si alyas Roberto, Jr., 40.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alamang matagal nang nagdududa ang suspek sa kababalaghang ginagawa ng kanyang mister kung kaya’t kanya itong sinundan nang pumasok sa trabaho bilang driver ng truck ng tubo.

Pinaniniwalaan na nandilim ang paningin ng misis nang makita nito na walang saplot ang kanyang asawa at nakapatong sa katawan ng ibang babae sa loob mismo ng truck na nasa parking area ng Central Azucarera de La Carlota.

Dahil sa nakita at bugso ng damdamin, agad sinugod ng salarin ang biktima at walang awang sinaksak hanggang sa mamatay.

Nagtamo ng multiple stab wounds ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Samantala, mabilis namang nakatakas ang kalaguyo dahil sa sobrang takot na siya ang isusunod ng ginang.

Kasalukuyang nasa state of shock ang naturang ginang kung saan handa itong kasuhan ng parricide ng La Carlota PNP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.