Habang Dumudumi: Lumpo, Inatake ng Baboy; Bayag Sinakmal

SUGATAN ANG isang 28-anyos na lumpo matapos kagatin ng alagang baboy sa bayan ng Dumarao, sa Capiz kamakailan.

Halos mawasak ang bayag ng biktima na kinilala lamang na si Nonoy, nang kagatin ng alaga nitong baboy habang dumudumi sa makeshift toilet o isang “upuan” na nagsisilbing palikuran nito.

Nagtamo rin ang biktima ng sugat sa tainga matapos salakayin pa ng nasabing hayop na tatlong buwan pa lamang.

Ayon naman sa ina ni Nonoy, ang 11 taong gulang na anak na isa ring lumpo ang nakapansin na pinagkakagat na ng baboy ang kanyang kuya kung kaya’t nagpasaklolo ang mga ito.

Samantala, sinabi pa ng ina na halos wasak na ang bayag ng anak nang kanyang hinugasan bago dinala sa pagamutan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.