Habang dinadala sa PNP station
Rapist, Pumuga

PATULOY ANG isinasagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sagñay sa Camarines Sur makaraang makatakas ang suspek sa pangre-rape sa isang menor de edad.

Ayon kay C/Insp. Noel Dela Peña, galing ng provincial prosecutor ang kanyang mga tauhan dala ang salarin na si Cenen Tipuno, nasa tamang edad at pabalik na ng kanilang himpilan nang bigla itong makatakas.

Sinabi ni Dela Peña na inireklamo ang suspek ng isang 15-anyos na dalagita ng panghahalay.

Sa reklamo ng biktima, nakikipag-inuman ito kasama ang suspek nang bigla na lamang hilahin at doon na ginawan ng kababu-yan.

Samantala, kaagad namang nadakip ang suspek pero dahil sa wala pa umanong committment order, ibabalik sana ito sa himpilan ng PNP Sagñay pero biglang tumalon ang suspek pagdating sa boundary ng Sagñay at Tigaon.

Sa ngayon, bigo ang mga pulis na mahabol ang suspek dahil kabisado nito ang bulubunduking bahagi ng lugar.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.