Habang bumibili ng iligal na droga Dalaga, todas sa tulak

PATAY ANG ISANG dalaga matapos itong barilin at saksakin ng suspek na hinihinalang drug pusher nang hindi umano magkasundo sa bentahan ng illegal na drogang Shabu, habang ang una ay bumibili sa huli kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Tondo Medical Center sanhi ng dalawang tama ng saksak sa dibdib at dalawang tama ng bala ng baril sa likod ang biktimang si Jennifer Doble, 29, ng Blk. 27, Lot 20, Area 1, Navotas City.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng Malabon Police sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas sa di-malamang direksyon.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:45 madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Blk. 12 Alle,y Brgy. Longos, Malabon City.

Ayon sa saksing si Paulo Advento, nasa hustong gulang, nakita nito ang biktimang nakatayo sa naturang lugar kausap ang suspek habang i-

naabot ang isang plastic sachet na naglalaman ng Shabu.

Ilang minuto ang nakalipas, ay bigla na lamang siyang nakarinig ng dalawang putok ng baril at ng kanyang alamin ay nakita na lamang niyang nakabulagta ang duguang biktima. Habang mabilis namang kumaripas ng takbo ang suspek sa di-malamang direksyon.

Agad naman itong hu-mingi ng tulong sa pulisya at dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya, upang alamin ang tunay na motibo sa nasabing krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.