Habal-Habal Driver, Dakip sa Kasong Rape sa 3 Menor

TATLONG KASO ng panggagahasa ang nakatakdang kaharapin ng isang umano’y kilabot na suspek sa rape matapos itong mahuli ng mga awtoridad sa Barangay Bayabas sa siyudad ng Cagayan de Oro.

Kinilala ang salarin na si Diosdado Palasan Jr., 21-anyos na habal-habal driver, residente sa Barangay Lumbia ng lungsod.

Sinabi ni S/Insp. Evan Vinas na siyang hepe ng Agora Police Station na galing sa inuman ang suspek at nang pagala-gala ito sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue ay nakita nito ang isang 11-anyos na dalagita at hinikayat na sumakay sa kanyang motorsiklo.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, napasama nito ang babae sa loob ng isang lodging house at doon pinagsamantalahan.

Kaagad tumakas ang salarin at iniwan ang biktima na umiyak na lamang sa loob ng motel.

Subalit agad nagsumbong sa mga kinauukulan ang concerned citizens at natunton ang pinagtaguan ng suspek sa Barangay Bayabas.

Inamin naman ng suspek  na nakuha niya ang pagka-babae ng biktima subalit hindi na niya matatandaan kung ilang beses dahil umano sa kanyang sobrang kalasingan.

Sinisi rin nito ang sarili dahil hindi umano talaga niya mapigilan na manggahasa lalo na kung menor de edad kapag siya ay lasing.

Samantala, inamin na rin nito na bago nangyari ang ginawa niya sa biktima ay dalawa pang menor de edad na babae ang kanyang ni-rape noon kaya kabilang ito sa kakaharapin niyang asunto sa piskalya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.