H7N9 Bird Flu Virus, ‘Isa sa Pinakanakamamatay’ – WHO

ITINUTURING NA ng World Health Organization (WHO) ang H7N9 bird flu virus na “one of the most lethal influenza viruses” na naitala nitong mga nagdaang taon.

Ito ang sinabi ng assistant director-general for health, security and environment ng WHO na si Keiji Fukuda sa isang news conference sa Beijing.

Habang patuloy ang pagsisiyasat  kung saan nagmula ang sakit, nananatili pa ring misteryo sa mga eksperto ang sakit.

Samantala, wala pang ebidensya ng human-to-human transmission ng sakit.

Ayon kay Dr. Susan Pineda-Mercado, acting WHO representative to the Philippines, importateng mag-ingat dahil marami pang hindi alam tungkol sa sakit.

Sa katunayan, nagpa-pahirap rin sa pag-aaral sa bagong virus ang mga lumalabas na datos ukol sa sakit.

Sa pagsusuri ng Chinese authorities sa libo-libong poultry animals, iilan lamang umano ang nag-positibo. Una nang ipinapalagay na nagmula sa ibon ang sakit at napapasa sa tao.

Payo ni Mercado, walang travel ban sa China at Taiwan at advisory sa pagkain ng manok ngunit mainam nang maging maingat.

Ligtas naman aniyang kumain ng manok basta siguraduhing lutong-luto ito.

Dapat aniyang mainit ang kakaining manok na hindi ito mahawakan sa sobrang init.

Sa China, pinatitiyak na malinis ang live poultry market o katayan ng manok. Pinag-aaralan aniya ang pagkakapasa ng sakit sa tao sa pamamagitan ng body fluids ng manok habang kinakatay ito.

Base sa pag-aaral ng WHO, maganda ang ipinatutupad na pag-iingat ng China ukol sa sakit na tinutugunan din ng iba pang bansa.

Wala pa naman aniyang nado-dokumentong manok sa bansa na tinamaan ng sakit kaya wala pang abiso sa mga local poultry sector.

Ngunit sakaling makapasok sa bansa, handa ang Department of Health (DOH) na tugunan ito.

Samantala, mataas aniya ang kapabilidad ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.