GYPSY RIVAS… WALANG REKLAMO BASTA GUWAPO!

BETERANA NA SA sexy shows ang super seksing look-alike ni Carla Abellana na si Gypsy Rivas. Lumabas na rin siya sa ilang Kapamilya shows gaya ng Eva Fonda at Imortal. Siyempre, target niya na sumikat din at makilala sa TV at sa pelikula.

Pagkatapos ng kanyang super-sexy pictorial, ilang sandali lang at nakatsika na namin si Gypsy.

Q: Katakam-takam talaga ang katawan niya, what if bigla na lang may mga kamay na dumapo sa maseselang bahagi nito, ano kaya ang gagawin niya?

Kung guwapo siya, okey lang, baka hindi na siya nakapagpigil. Pero kung may pagka-maniac naman at mukhang hindi matino at walang hitsura, naku, baka masampal ko siya! Tumingin na lang siya, libre naman, eh! Pero kung may iniisip pa siyang gawin, hindi na tama ‘yon. Makakatikim talaga siya!

Q: Bakit ‘pag guwapo, okey lang? Ibig sabihin, importante sa kanya ang hitsura kesa nasa loob ng isang lalaki?

Hindi naman sa gano’n. Ang sa akin lang, kung may manghipo man, at least, guwapo naman siya kaysa naman sa hindi, di parang nakakadiri naman ‘yun, di ba?

Siyempre, importante sa akin ‘yung mabait ang lalaki, pero iba pa rin ‘pag guwapo siya! Kahit kaya sinong girl ‘pag guwapo ang guy, tiyak na hindi ka na aangal kahit ano pa ang gawin niya sa ‘yo, di ba? Hahaha!

Q: Kung titingnan ay parang inosente pa si Gypsy, pero ayon sa kanya, punung-puno na siya ng karanasan. Mga karanasang nakaukit na sa utak niya kaya naman alam na niya ang mga dapat gawin sakaling malagay siya sa alanganin.

Hilig ko talaga ang showbiz, kaya naman kahit na maliit lang ‘yung roles, eh pinapatulan ko. ‘Yung mga lalaking artista, akala mo naman ba, eh matitino ‘yang mga ‘yan? Hindi rin! Si Baron Geisler, nakatrabaho ko siya sa Eva Fonda, nakaeksena ko pa, pero hindi naman niya ako nabastos. Medyo may mild lang na hawak-hawak, pero not to the point naman na mangdadakma na siya or mamimisil.

Ang ibig kong sabihin, alam ko kung kelan ako aangal. ‘Yung mga ganung yakap-yakap o halik-halik lang, okey lang ‘yun. Huwag lang ‘yung garapal na hahawakan na o kaya, hihilahin na ako at hahalikan.

Q: Gaano na ba ka-sexy ang ginawa niya sa mga projects na nagawa niya?

Sa Imortal ‘yun, kami ni Rocky Salumbides, ang eksena eh, bedscene tapos may torrid kissing scene kami. Nadala yata siya sa eksena, itinayo niya ako mula sa kama at hinubad niya ang suot kong pang-itaas saka hinalikan niya ang balikat ko paikot.

Eh, that time, wala akong suot na bra kaya tumambad ‘yung boobs ko. Okey lang naman, kasi saglit lang at natakpan ko agad ng dibdib ni Rocky dahil pagsigaw ng cut ng direktor ay yumakap ako sa kanya.

Si Rocky naman, niyakap pa ako ng mahigpit para hindi ako makitaan. Napaka-gentleman niya at ang sarap-sarap niya! Kung hindi lang may kamera, baka itinuloy na namin ‘yun! Hahaha! Yummy kasi siya, eh!

Q: Mga tipo ba ni Rocky ang gusto niyang makasama sa isang mainit na magdamag?

Oo, kung puwede nga siya na. eh! Hahaha! Perfect kasi ‘yung body niya, matangkad pa siya at saka ang bango niya! Wala kang maaamoy na hindi maganda sa kanya. Siguro ‘pag siya ang kasama mo, ayaw mo ng lumabas ng kuwarto!

Q: Bukod kay Rocky, meron pa ba siyang ibang pantasya?

Siyempre, pantasya ko rin si Geoff Eigenmann. Nakaka-attract ‘yung mga mata niya! Very sexy! At ‘yung buong mukha niya, type na type ko! Pakisabi nga kay Carla (Abellana) na huwag siyang malilingat at baka maagaw ko sa kanya si Geoff! Hahaha!

Q: Ready na siyang maghubad sa pelikula?

May gagawin nga ako, pero hindi pa ako masyadong maghuhubad du’n. Pa-sexy lang. Kumbaga sa akin, ayokong itodo lahat, eh! Slowly but surely. Sasabikin ko muna silang lahat para parati nila akong aabangan sa bawat pelikulang gagawin ko. Bongga, ‘di ba? Hahaha!


HotSeat-HotShot!
By Ronald M. Rafer

loading...

One thought on “GYPSY RIVAS… WALANG REKLAMO BASTA GUWAPO!

  1. Pingback: Brutal Legend: Now You Must Tell the Tale Achievement Guide | Lana – she has sexy elbows. Shhhh | GYPSY RIVAS… WALANG REKLAMO BASTA GUWAPO!

Leave a Reply

Your email address will not be published.