Gwendoline Ruais, kilala ang mga taong naninira sa kanya!

NAPAKAGANDA NANG humarap sa mga press people ang Miss World 1st Princess na si Gwendoline Ruais sa press presentation ng mga naggagandahang 25 kandidata ng 2012 Miss Philippines-World na ginanap sa Manila Hotel.

Ayon kay Gwendoline, kilala na raw nito ang mga taong naninira sa kanya, pero deadma na lang daw siya at ayaw na lang daw nitong patulan ang mga isyung ikinakabit sa kanya ng kanyang detractors.

Isa sa isyung kinasasangkutan nito na kanyang pinabulaanan ay ang tsismis na sinabi raw niya na mas mataas ang ranggong nakuha niya kaysa kina Venus Raj (Miss Universe 4th Runner-Up) at Shamcey Supsup (Miss Universe 3rd Runner-Up ).

Ayon kay Gwendoline, wala raw siyang sinasabing ganoon dahil magkakaibigan sila. Tsika pa nito na ‘wag daw silang intrigahin ng mga intrigero dahil hindi daw alam ng mga ito kung anong hirap ang pinagdaanan nila ng kanyang mga co-beauty queens na sina Venus at Shamcey sa kani-kanilang sinalihang pageant bago nanalo.

Dagdag pa nito na hindi rin totoo na lumaki na ang ulo niya at nagbago na since nanalo, dahil kung sino raw si Gwendoline noon ay ganoon pa rin siya, wala naman daw siyang dapat ipagbago dahil lang sa nanalo siya. ‘Yun na!

 

MARAMI ANG nag-iisip na may namumuo nang magandang pagtitinginan between KC Montero and Rhian Ramos, dahil na rin sa naging kasagutan ng mga ito sa kani-kaniyang interviews sa Showbiz Central noong Linggo, kung saan sinabi ni KC na palagi niyang nakakasama sa mga lakaran lately si Rhian.

Habang gusto raw munang makilala ni Rhian nang lubusan si KC bago magdesisyon kung deserving ba si KC sa kanyang pagmamahal. Pero sa ngayon daw, hindi pa handa si Rhian para sa panibagong pag-ibig at mas gusto munang mag-concentrate sa kanyang career.

Pero sa pagtungo ni Rhian sa Las Vegas para manood ng laban ni Manny “Pacman” Pacquiao kasama ang kanyang ina, may hinala ang iba na baka magkikita roon sina Rhian at KC dahil nakatakda rin yata itong pumunta ng Las Vegas. ‘Yun na!

 

HINDI RAW big issue kay Jolina Magdangal kung 2nd choice lang siya at kapalit ni Roxanne Guinoo na buntis para sa My Daddy Dearest na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid, kung saan lalabas itong asawa ng magaling na komedyante/host.

Excited nga raw si Jolina na makatrabaho si Ogie, dahil alam daw nitong magaling na komedyano si Ogie at masarap na katrabaho kung saan magkasama ang mga ito sa Party Pilipinas every Sunday.

Happy nga raw si Jolens dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya ngayong taon. Nawa’y magtuluy-tuloy raw ito at masundan pa ng iba pang magagandang proyekto mula sa Kapuso Network.

 

PATULOY SA paghahatid ang GMA at GMA News TV (GNTV) ng mga bagong kaganapan sa nalalapit na paghaharap nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa pamamagitan ng mga daily bulletins.

Napapanood sa dalawang channels ang mga latest na balita, expert commentaries at mga prediksyon mula sa boxing experts kung sino kina Pacman at Bradley ang mag-uuwi ng titulo bilang WBO Welterweight Champion.

Hatid ni Chino Trinidad ang Countdown to Pacquiao-Bradley World Welterweight Championship capsules sa GMA sa ganap na 5:45-5:50 p.m. hanggang Biyernes (Hunyo 8) bago mag-Alice Bungisngis, at sa Sabado (Hunyo 9) sa Manny Many Prizes.

Ihahatid naman sa GNTV ni Mark Zambrano ang Pacquiao-Bradley Flashpunch capsules sa ganap na 5:25-5:30 PM hanggang Biyernes bago mag-News TV QRT, at 5:45-5:50PM sa Sabado bago mag-Sarap To Heart at Day-Off.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Gwendoline Ruais, kilala ang mga taong naninira sa kanya!

  1. Wala na kasing mga moralidad ang karamihan ng mga artista ngayon, they go abroad and meet up with their boyfriend over there at surrender kaagad ang bandila at hindi ginamit ang utak at pag nabuntis, yon at ipalaglag na lang dahil inconvenience na yong bata sa career path nila. So maski mali ang ginawa ng iba doon na nagbuntis out of wedlock, I still respect them at the end for not going thru an abortion like Jennelyn Mercado at Valerie Concepcion. Maski may anak na sila pero tingnan mo ang career nila, hindi nasira dahil people did not condemn them as baby killers, instead they stand tall now and proud to raise their kids. And I’m not saying na it’s okay to have a child out of wedlock but kung ma control ang sarili not to have sex before marriage, please do that by all means but kung nariyan na lang din yan na nabuntis na, huwag naman patayin yong bata, either you raise the child or give it up for adoption to a better home. Kung hindi kasi ready magkababy, dapat iniisip yon at gumamit man lang nga protection.

Leave a Reply

Your email address will not be published.