Gwen Zamora, type si Aljur Abrenica

TULUY NA TULOY na nga kaya ang pagbabalik ng dalawang batikang broadcast-journalists na sina Korina Sanchez at former vice president of the Philippines na si Noli de Castro sa TV Patrol sa darating na Lunes, November 8?

Ayon nga sa mga naglabasang balita nitong nakaraang linggo lang, magre-reformat daw ang nasabing news program. Aalisin diumano ang dalawa sa kasalukuyang newscasters na sina Karen Davila at Julius Babao na kasalukuyang nagbabakasyon sa magkaibang bansa with their respective families. Samantala, mare-retain daw si Ted Failon na kaibigan at matagal nang ka-partner ni Korina sa news and current affairs programs ng ABS-CBN at radio program sa DZMM. Dito na lumitaw ang chikang ibabalik daw sina Koring at Noli Boy para makasama ng maiiwang si Ted sa TV Patrol.

May katotohanan kaya ang balita na ang pagbabalik daw nina Koring at Noli Boy, with Ted on primetime news program ay bilang pangtapat daw sa weeknight TV show ng TV5 na Willing Willie ni Willie Revillame na dating alaga ng asawa ng huli na si Arlene de Castro?

Pero totoo rin kaya na may nagaganap pa rin daw na negosasyon hanggang ngayon sa pagitan ng dalawang multi-awarded newscasters at ng pamunuan ng Dos? Isa kaya rito ang usapin ng talent fee?

DAHIL SA TRABAHO sa Senado at sunud-sunod na shooting days ng isa sa pinakamalaking pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) on December 25 this year na Si Agimat At Si Enteng Kabisote ng Imus Productions, Inc., Octo-Arts Films, APT Productions, GMA Films at M-ZET Productions, na pagbibidahan nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto, mukhang early next year pa ulit mapag-uusapan ng una at ng maybahay nitong si Congresswoman Lani Mercado ang kanilang planong pagpapakasal ulit for their 25th wedding anniversary on May 28, 2011 sa chapel sa loob ng isang mortuary sa Glendale, California, USA kung saan sila unang ikinasal.

Pero kahit “nothing is sure yet,” sabi ng kongresista sa text n’ya sa amin, at “pag-uusapan pa ulit,” ayon sa senador nang makausap namin ito sa shooting nito sa Tanay, Rizal kamakailan lang, excited naman ang mga kapatid na babae ng huli na sina Princess Revilla, Rowena Bautista-Mendiola, Diane Bautista-Paterno at Andrea Bautista-Ynares nang maka-chika namin ang mga ito kung sakaling matuloy nga ang renewal of vows ng mag-asawa sa States.

NAKA-CHIKAHAN DIN NAMIN ang leading ladies nina Sen. Bong at Bossing Vic na sina Sam Pinto at Gwen Zamora, respectively, on the set of their MMFF movie.

Napag-alaman namin na born and raised here in the Philippines pala ang 21-year-old pure Filipina na si Sam na magaling mag-English at maganda pa. Kung tutuusin, at her height na 5’6” ay p’wede s’yang mag-join ng Binibining Pilipinas or other equally prestigious beauty pageant dito sa atin. Pero mukhang it’s not her thing daw, bukod sa may tattoo sa kaliwang paa ang dalaga na hindi yata p’wede sa Binibini.

Sa ngayon daw, masaya s’ya sa kanyang showbiz career sa kabila ng mga intriga sa kanya, gaya nang ma-link s’ya noon kay Gerald Anderson na inamin n’yang crush n’ya dati.

At in fairness, wala naman daw s’yang nakuhang death threats before mula sa mga fans nina Gerald at Kim Chiu. “I don’t need to use Gerald to be famous,” sey ni Sam.

Ang ganda-ganda rin ni Gwen, 19, with or without makeup na may lahing British-Italian dahil sa tatay n’ya at Vietnamese dahil half Filipino-half Vietnamese ang nanay n’ya.

Pero inamin ng baguhang young actress that she’s more Pinoy at heart. Kahit tumira raw s’ya sa Singapore, Thailand, China, Australia at Amerika dahil sa trabaho ng tatay n’ya sa hotel, halos lahat daw ng naging mga kabarkada n’ya ay Pinoy.

Nakakatuwa nga nang makita namin si Gwen na bumibili ng pancit canton sa isang sari-sari store sa location ng kanilang pinagsu-shooting-an.

Hinahangaan daw ni Gwen ang kanyang kapwa GMA artist na si Iza Calzado sa pag-arte at pagka-low profile at mabait nito.

Wala naman daw katotohanan na nanliligaw sa kanya ang isa pang showbiz newbie from Survivor Philippines: Celebrity Showdown at ex-boyfriend ni Marian Rivera na si Ervic Vijandre.

Crush n’ya raw si Aljur Abrenica nang tanungin namin kung sino ang type n’yang binata sa local showbiz. Tinanong namin s’ya ulit kung sino kaya kina Aljur at Ervic ang mas bet n’ya kung sakaling manligaw nang sabay ang dalawa sa kanya. “Si Aljur…,” mahinang sagot sa amin ni Gwen na nakangiti.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

6 thoughts on “Gwen Zamora, type si Aljur Abrenica

  1. Well si rhian ramos sana eh idk about mr. mo pero sana maganda ang decisyon ni rhian sana tama..

    bagay din si gwen and aljur i love it sana mey project sila… and fyi Bad romance magingat ka sinasabi mo you haven’t meet aljur personaly i meet him he is very handsome so plzzz… magisip ka muna….

  2. Ang pangit naman ni Aljur Abrenica… ang pangit pang umarte… napakaswangit… eeeew to the max! walang wala sya sa kagwapuhan ni Sam milby at ChadMM!

Leave a Reply

Your email address will not be published.