Gwen Zamora, napagsasabay ang career at lovelife

HINDI NA nga magkamayaw ang Kapuso star na si Gwen Zamora sa kabi-kabilang project na ibinibigay ng GMA-7, kaya naman laging abot- tenga ang kanyang mga ngiti sa kaligayahan at lubos na pasasalamat sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

Bukod sa regular siya sa long time running sitcom na Bubble Gang, kasali naman siya ngayon sa primetime teleser-yeng horror na Aso ni San Roque, bilang aswang ng tubig. Bagama’t wala pa siyang leading role sa mga naging teleserye niya ay puro naman makabuluhan at importanteng role ang ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network.

Samantala, madalas naman siyang ma-ging bida sa mga movies, tulad na lamang ng pagiging starring role niya sa isang Indonesian film na The Witness kamakailan na pinalabas sa abroad at dito rin sa Pilipinas with Tagalog subtitle. Ngayon ay magbibida na naman siya sa MMFF entry ng nagkakaisang limang produksiyon, kasama ang M-ZET, Imus Film, GMA Films, APT, sa taong ito na Si Agimat, Si Enteng at Si Ako. Tulad ng dati, siya pa rin ang Faye sa buhay ni Enteng. For the first time ay makakasama niya si Judy Ann Santos na gaganap na Si Ako.

Sobrang inspired umano siya sa kanyang trabaho dahil inamin mismo niya na buhay na buhay ang kanyang lovelife. I-

sang businessman ang nagpapasaya sa kanya at ayon pa rin sa kanya ay sobrang compatible sila sa isa’t isa. Madalas umano ang kanilang pagkikita at kahit noong nasa syuting siya ng Enteng sa Laoag for a week ay sinasamahan siya.

“Almost six months na kami at wala akong masamang puwedeng i-comment sa kanya. He is matured enough and really a nice guy,” kuwento ng dalaga.

Hindi pa raw niya puwedeng ipakilala nang lubos ang kanyang BF, pero darating din daw ang araw na iyon sa tamang panahon.

By Luz Candaba
Parazzing Gala

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.