GWEN ZAMORA, HINDI INALOK NG EAT BULAGA!

Kahit pa matagal nang tapos ang Metro Manila Film Festival, hindi pa rin mamatay-matay ang tsikang si Gwen Zamora na ang bagong girlfriend ni Vic Sotto. Open secret na kasi sa publiko na may bago nang boyfriend si Pia Guanio kaya pilit na inili-link si Bossing sa baguhang aktres. Ngayon nga ay lumabas naman ang balitang matatanggal na si Pia sa Eat Bulaga at si Gwen Zamora na raw ang papalit sa kanya.

Ayon sa Kapuso newbie, walang offer sa kanya ang nasabing noontime show at pakiramdam niya ay kailangan pa niyang mag-ensayo kung sakali mang sumabak siya sa pagho-host. Tama nga naman siya. Kailangan niya ng training. Kitang-kita naman, ‘di ba?

BEKIMON, NAGING EMOSYONAL SA HULING YOUTUBE VIDEO

Bago pa man nakuha bilang sidekick ni Bianca Manalo sa Juanita Banana si Joseph ‘Bekimon’ Persia, una itong sumikat sa YouTube dahil sa kanyang ‘Bekimon’ videos. Minahal ito ng kanyang mga taga-hanga dahil sa Mudak at Junakis episodes, kung saan nagpapanggap ito bilang ina sa isang masunu-ring anak. Nalungkot ang mga viewers ni Bekimon nang biglang mawala si Junakis a.k.a Darwin Taylo, ilang buwan na ang nakakaraan, pero ito’y bumalik. Ngayon ay nag-upload ng isang seryosong video si Bekimon na pansamantala munang hindi makikita si ‘Junakis’ sa kanyang mga videos dahil madalas na silang nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan. Mariin namang itinanggi ng internet celebrity na may relasyon sila ng nakaalitang kaibigan.

JEAN GARCIA, BAIT-BAITAN ANG DRAMA SA ALAKDANA

For a change ay bait-baitan ang itinokang papel para kay Jean Garcia sa Alakdana, ang bagong panghapong serye ng Siyete. Ito ay pagbibidahan ng baguhang teen star na si Louise delos Reyes. Halatang masaya at kuntento si Jean Garcia sa kuwadra ng Siyete dahil kahit na hindi ito exclusive contract artist ay sunud-sunod pa rin ang mga teleser-yeng ginagawa niya. Napansin din niya na alternating roles ang ibinibigay sa kanya ng network. Si Jean Garcia ang gaganap na asawa ni Matthew Mendoza at si Jobelle Salvador naman ang tata-yong kontrabida niya sa serye.


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.