Gwen Zamora, ‘di kayang gawin ang ginagawa ni Ellen Adarna

Gwen-Zamora-Ellen-AdarnaDATING MAGKASAMA sa Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7 sina Gwen Zamora at Ellen Adarna. Sa taping ng gag show ay madalas na pagkumparahin sila ng mga intrigero at intrigera.

Mas seksi raw sa kanya Ellen at wala siyang panama sa kutis at kaseksihan nito. Kaya ayun at nagpa-pictorial pa para maging cover ng men’s magazine.

Sabi naman ni Gwen, hindi siya nakikipagkumpetensiya sa kaseksihan ni Ellen. Ang importante raw ay wala siyang tinatapakang tao at kuntento sa kanyang katawan.

Aminado naman si Gwen na mas seksi si Ellen sa kanya, pero kahit na raw hindi kasing-seksi ang kanyang katawan ay never daw siyang papayag na magpa-pictorial para maging cover ng men’s magazine.

Sa tanong kung natatakot ba siya na pagtapatin sila ni Ellen?

“Pinagtapat na kami, ‘di ba? Okey lang ‘yun. As long na walang hubaran na mangyayari,” say ni Gwen na mas seksi na ngayon kumpara noon na medyo chubby ang katawan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.