Gwen Zamora, binababaran ni Aljur Abrenica?!

MARAMI ANG NAKAPANSIN sa biglaang pagdalaw ni Aljur Abrenica sa taping ng Bubble Gang, at ikinagulat pa nila ang masuyong pagbabantay nito hanggang sa matapos ang eksena ni Gwen Zamora.

Marami tuloy ang nagtatanong kung may namumuo nga bang relasyon sa dalawa?

Ayon kay Gwen, totoo ngang dumadalaw at nagkikita sila ni Aljur sa mga taping at guesting niya, at dinadalhan daw siya nito ng paborito niyang refreshment. Alam daw kasi ni Aljur kung saan iyon nabibili.

Minsan daw, lumabas na silang dalawa, at wala naman daw siyang nakikitang masama dahil magkaibigan naman daw sila.

Sa kabila ng tila namumuong relasyon ni Gwen kay Aljur, kumakalat din naman ang balitang pagtataray ng sexy actress sa Survivor castaway na si Ervic Vijandre.

Sinabihan daw kasi ni Gwen si Ervic na tigilan siya at huwag gamitin sa gimik para sumikat at pag-usapan. Isa pang ibinabatong isyu kay Gwen ay ang parehong pagtataray rin niya kay Wendell Ramos nang aksidenteng maidikit ng aktor ang labi nito kay Gwen sa kissing scene nila sa Bubble Gang.

Sa isyu kay Ervic, nilinaw ni Gwen na nag-usap na sila at sinabi niya na kung puwedeng maging friends na lang muna sila at mag-concentrate sa kani-kaniyang trabaho. Nag-usap daw sila in good manner at wala naman siyang nalalaman na sinabi niya ang salitang “gamitan”.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Gwen kay Wendell sa naging reaksyon niya rito. Nagulat lang naman daw siya sa biglang pagkakadampi ng labi ni Wendell sa kanyang labi, na wala naman daw talaga sa eksena. Maayos na raw sila ngayon at nagkaintindihan na.

Sinagot na rin ni Gwen ang blind item na tomboy siya, kaya nata-turn off ang mga lalaking nagtatangkang manligaw sa kanya. “Never na mangyayari na tomboy ako, kilala ko ang aking sarili,” ani Gwen. Nu’ng bata raw siya, medyo boyish siyang kumilos, kaya minsan nadadala pa niya ang ganitong kilos.

Sa ngayon, busy sa pagpo-promote ng pelikula niya si Gwen bilang leading lady ni Bossing Vic Sotto sa MMFF entry na Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

JUST NOW: MULING napasaya ni Rocco Nacino ang mga bata ng Children’s Joy Foundation nang mamahagi ito ng mga Christmas gift kasama ang kanyang pamilya at mga fans.

Masayang pinanood naman ni Alvin Aragon ang unica hija niyang si Atheena sa isang mall, habang nasa recital performance ito. Proud daddy si Alvin kahit hiwalay na sila ng dati niyang asawa. Masaya ring naglilingkod sa Victory Christian Community si Alvin, bilang outreach volunteer.

Abangan ninyo ang Tweetbiz Awards Night… sinong celebrity ang ligwak at swak this year? Malalaman n’yo na! And thank you kay Tito Gorgy Rula for a year-round help sa mga coverage ko…

The Lion’s Guard
by Gary de Leon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.