Gwen Garci, ooperahan sa gall bladder – Joey Sarmiento

BLIND ITEM: NASA early 20’s pa lang ang dating sexy star at dating boarder sa bahay ni Kuya pero losyang na losyang na ang kanyang hitsura ngayon, as in.

‘Yon daw  ang dahilan kung bakit agad na nagsawa ito sa kanya at hiniwalayan ng kanyang mayamang asawa na lumalabas din sa TV at movies.

Pero ang sabi sa amin ng isa pang ex-boyfriend ni dating sexy star,e, may kinalolokohan daw itong  18 year-old na bagets at ‘yon ang tunay na dahilan kung bakit siya iniwan ng kanyang asawa na kapareho ng last name ng isang beteranong politiko.

Walang datung ang bagets kaya si dating sexy star pa ang gumagastos sa kanilang date. With this,  napipilitang humanap ng malalaking raket ang aktres.

Clue? Kung magre-recite ka ng alphabet magmula sa simula,e, malalaman mo agad ang initials ng pangalan nito…getz?

[ad#post-ad-box]

NAGSIMULA ANG LAHAT sa blind item pero ngayon ay confirmed na ang balitang operasyon ng dating Viva Hot Babe na si Gwen Garci. Hindi magtatagal ay ooperahan na siya dahil may diperensiya ang kanyang gall bladder.

Take note, sa China gagawin ang kanyang operasyon  kaya kung hindi magbabago ang plano, eh,   bukas, October 29, siya lilipad.

Sabi niya sa text message niya sa amin, malamang ay hindi na siya maka-attend ng NU Rock Awards as presenter at malamang ay ma-postpone na rin ang kanyang scheduled pictorial para sa website ng Viva.

Supposed to be ay may show rin si Gwen sa November 13, 14, 16 and 18 pero kung hindi siya makababalik galing China, e, malamang na ma-cancel din ‘yon.

May naka-pending din na show si Gwen sa Frenzy Hot Model Bar and Resto sa may West Avenue at siniguro na niya na hindi siya makakapunta kaya na-move din ang kanilang show to a latter date on December.

Wish lang namin, maka-recover agad si Gwen dahil malungkot ang kanyang boses nang makausap namin siya sa cell phone nu’ng isang araw. Sana ay gumaling na siya agad at magtagumpay ang kanyang operasyon para muling bumango ang kanyang bulaklak.

EVERY TIME NA nakikita ng members of the press sina Toni Gonzaga at ang kanyang papa na si Direk Paul Soriano ay laging pa-chorus na nagtatanong ang mga baklas (plural ng bakla at title na rin ng movie nina Rosanna Roces at Roi Vinzon, He! He! He!): “Kailan ba namin maririnig ang wedding bells sa inyong dalawa? Kailan ang kasal?”

Feeling namin, bibilang pa siguro ng maraming taon bago mag-decide na magpakasal ang dalawa dahil busy pa sila sa kanilang mga career.

Si Toni, sa kanyang hosting job at si Direk Paul naman, sa kanyang bagong movie na A Journey Home, na incidentally ay bida rin ang kanyang girlfriend.

‘Nga pala, first time naming nakapanood ng movie na gawa ni Direk Paul at ngayon namin nalaman na puwedeng-puwede pala siya sa mga pelikulang nakakatawa at nakakaiyak.

Hay, naku! Ganu’n kasi ang pelikulang  A Journey Home. Kung minsan, matatawa ka sa ilang mga eksena at maiiyak ka naman sa mga kadramahan ng mag-ama sa movie.

Just asking,kailan kaya ito maipalalabas commercially sa mga sinehan? Pakisagot nga, Mr. Oliver?

Paki…say mo, papa Dani and papa Alex dahil regular readers na natin ang mga taga-St. Paul Manila lalo na ang grupo nina Nikka Seki ng HRM…O, hendehvah? Sosi!

For reactions, p-lease e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

3 thoughts on “Gwen Garci, ooperahan sa gall bladder – Joey Sarmiento

Leave a Reply

Your email address will not be published.