Gwen Garci, ibinuyangyang ang hiyas sa men’s magazine

MAS MAPANGAHAS at palaban si Gwen Garci sa pictorial niya ngayon sa September issue ng Playboy magazine kung saan aakalain mo na wholesome ang dating dahil kasama niya sa cover sina Gloc 9 at Yael Yuzon ng SpongeCola.

Pero sa loob ng babasahin, bubulaga ang hubad na katawan ni Gwen na hindi niya ginawa nang magpose sa FHM dahil puro pasilip lang ang kanyang mga ginawa rito.

Sa September edition ng Playboy, ibinuyangyang niya talaga ang malusog na dibdib at ipinasilip pa ang kanyang “hiyas” sa ilang larawan.

Pero ayon kay Gwen, hindi pa raw niya ibinigay nang todo-todo ang paghuhubad para raw may aabangan pa sa kanyang susunod na pagpo-pose.

Tanong tuloy ng mga nakakita ng kanyang mapangahas na pag-pose sa nasabing men’s magazine, kung may aabangan pa raw ba? Samantalang sa isang pose niya ay bumulaga na ang kanyang “hiyas” na ginamitan lang ng color-sep para hindi masyadong bulgar.

Katuwiran ni Gwen, hindi siya pumayag na magpakuha nang nakabukaka para makita ang nakangiting hiyas. Sapat na raw muna ang lumabas ang kanyang hiyas.

Ginawa raw niya ito para patunayan sa lahat na hindi pa siya kayang kabugin ng simunan pagdating sa kaseksihan.

Samantalang hiwalay na si Gwen sa live-in partner at ama ng kanyang 2-year old daughter na isang Italian Chef na dating naka-base daw sa China na ngayon ay nasa Singapore.

Naging biktima raw kasi siya ng verbal abuse ng Italian Chef na akala niya mamamahalin siya matapos na makisama at bigyan ng isang anak.

Magmula raw kasi ng manganak, tumaba na siya at naging matabang na raw ang pagtingin sa kanya ng Italian boyfriend.

Kaya nagdesisyon na si Gwen na magbalik-‘Pinas para patunayan sa ama ng kanyang anak na nagkamali ito, dahil nagpaseksi siya uli. Katibayan ng pagbabalik ng seksing katawan ay itong pagpo-pose niya sa men’s magazine.

 

IKINAGULAT NI Kris Bernal nang tanungin siya na may sama ng loob sa GMA-7 dahil napabayaan daw ang showbiz career niya.

“Wala po akong sama ng loob sa GMA-7. Hindi naman ako nawawalan ng project matapos ang Coffee Prince serye namin ni Aljur (Abrenica).

“Natagalan ang pagkakaroon ko ng serye dahil sa conflict na rin sa aking endorsement, at iba pa. Kaya ngayon lang nasundan pagkatapos ng Coffee Prince.

“Inuulit ko po, wala akong sama ng loob sa GMA-7. Binibigyan naman nila ako ng show, at iba pa, matapos ang serye namin ni Aljur, at ‘eto nga ang pagbabalik-tandem namin ni Aljur sa Prinsesa ng Buhay Ko,” pahayag ni Kris.

When ask kung manonood ba siya ng pagrampa ni Aljur sa Cosmo katabi ni Kylie Padilla sa upuan?

“Wala naman pong problema. Manonood ako kung papayag ba si Kylie?” sagot ni Kris na super slim ngayon pero cute pa rin.

Samantalang natanong din si Kris about her lovelife. Still single pa rin daw siya. Wala raw katotohanan na mag-on na sila ni Carl Guevarra.

Pero marami naniniwala na may namamagitan na kina Kris at Carl, lalo’t kapag tinanong ang binata ay puro papuri at kulang na lang aminin na magdyowa na nga sila.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

5 thoughts on “Gwen Garci, ibinuyangyang ang hiyas sa men’s magazine

Leave a Reply

Your email address will not be published.