Guys na na-link kay Sarah Geronimo, complicated? – Tita Swarding

OLACHIKKA. MAHULAAN N’YO kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku, mga kafatid, maloloka kayo dahil hindi n’yo rin mate-take ang mga kabalbalan na ginagawa ng idol ng bayan na si singer-actor. O, maaga pa lang may clue na. By the way, any way, high way, super fresh ang balitang ito na blind item na galing sa isang probinsya kung saan lumaki itong si sikat na idol ng bayan. Ang nakakaloka, marami-rami na raw ang naanakan nitong si sikat na idol na ito. Ngunit ang hindi ko ma-take, ang isang sikat na lady broadcaster din sa isang sikat din na probinsiya ay hindi pinalagpas nitong idol ng bayan. Kalerke, ha! Dahil naanakan niya pala ito. Matagal na palang hindi nakabalik sa work itng si broadcaster dahil natangal sa work, huh.!(siyempre, hindi na talaga siya makababalik, ‘noh!) kaya binigyan na lang daw itong si sikat na broadcaster ng pang negosyo ni idol ng bayan.

Ang nakarating sa akin, isang convenience store ang binigay na negosyo. Kaya pala natanggal itong si lady broadcaster ay dahil nalaman ng asawa ni idol ng bayan na may lihim silang relasyon ng asawa nito. Siyempre, powerful na sila kaya  kahit sino pwede na ipatangal ng asawa ni idol ng bayan. Nakakaloka, ha! Pero hanggang ngayon hindi na raw suportado ni idol ng bayan ang anak nito sa isang lady broadcaster. Tama na raw ang isang convenience store na ibinigay nito. Ano raw?  Nawindang ako ru’n ha!

Ayaw nang maghabol ni lady broadcaster dahil mapapahiya lamang daw siya. Malaki na ang anak nitong si idol ng bayan sa isang lady broadcaster na ito. Kung hindi ako nagkakamali, four years old na. O, loka kayo, ‘noh!.

Nahulaan n’yo na kung sino itong aking pinahuhulaan sa inyo? Wala nang clue. ‘Yun na!

MASYADONG OA NA sa panlasa ng publiko ang kalerkehan ni Mariel Rodreguez. Kung hindi lang sa kasamahan nitong si Pokwang ay hindi siya madadala. Buti nalang at magaling si Pokwang hindi lang sa kalokohan kundi pati na rin sa pagho-host.  Ayun, nadadala niya ang kalokahan ni Mariel na kahit itapat sa mga kasamahang host tulad nina Valerie Concepion at RR Enriquez ay walang mangyayari. Marami ang hindi masyadong  nagagandahan sa style ni Mariel lalo na sa portion ng Wowowee na Hephep, Hurray! Ang inaabangan ng lahat ay ang kung ano ang mga pasabog ni Pokwang at hindi ang kaartehan ni Mariel at ang sintunado nitong boses. Hindi rin si Willie Revillame ang inaabangan dahil mula ng mawala si Willie at hangang sa bumalik ay ganu’n pa rin naman ang rating, walang pagbabago. Hmmm…..dahil carry ni Pokwang at ng ibang mga guest na inaabangan ng mga tao, ‘di ba?

ANO BA NAMAN ito? Nawindang ako sa tsikang ito, pero ako rin ay nakapag-isip dahil lahat ng mga lalaki na na-link sa batang actress- singer na si Sarah Geronimo ay mga complicated,huh!

Alam n’yo naman kung ano ang complicated, ‘noh? Hindi na kailangang i-memorize ‘yan!

Unang na link ang namesung ng batang singer kay Piolo Pascual na pinaghihinalaan ang gender at sa imbyerna ni Piolo dahil na-link ang name niya sa isang actor din ay  nauwi ito sa kaso. Sunod na na-link ang pangalan ni Sarah sa kapatid ni Randy Santiago na si Rowel Santiago na naintriga rin ang kasarian. Hanggang sa nail-link ngayon ang batang singer sa isa pa raw complicated, si John Lloyd Cruz na nagkaron ng movie kay Luis Manzano.

Kaloka, ha! Ano kaya ang masasabi ng ina ni Sarah Geronimo na si  Mommy Divine? Kalerke, ha! At may humabol pa na isa ring pinaghihinalaan ang gender, ang singer-actor na si Mark Bautista. Ano ba talaga? Itong Parazzi Girl ko, nakakaloka ang itsinikka sa akin. Ha! Ha! Ha! Ang lahat daw ng nabangit na mga name ng mga lalaking na-link sa pangalan ni Sarah Geronimo ay sinasabing complicated ang mga gender. Ayaw na ayaw ni Mommy Divine ng ganyan. Ha! Ha! HA! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

21 thoughts on “Guys na na-link kay Sarah Geronimo, complicated? – Tita Swarding

  1. aswangbkla ang hina mo pano mgka b.f yon dhil sobrang busy sa career nya at ntural lng cya bntayan mommy d dyan mrming star o ngagamit dyan lging nmention name nya .how much more kng wlng bntay ay gmitin c srah knwari ligawan pgktapos ay isantabi lng. c pnot ay hwag na mael yon wlng ksiyahan gusto nya easy to get mga babae.

  2. sarah is so beautiful inside and out..i really like her,since b4..i just hoping na ang mapipili ni sarah sa huli ay ingatan sya tlga at wag sskyan..coz marmi ang sasalo at magagalit kung lokohin or saktan lng sya..

  3. pihikan sa lalake etong si Sarah,ayaw kase niya may kahati sa kanyang mga yaman…hehehe.much love niya ang MONEY not personality!

    • source :PHILIPPINE STAR NGAUN!

      This time ayon sa isang source, active si Sarah sa participation ng mga productions meetings nila.

      Ayon pa sa source, nago-organize na rin ng relief operations ang ilang fans ni Sarah at maging ang singer/actress.

      Pero quiet lang daw ang mga ito. Hangga’t maari raw ay ayaw nilang magkuwento tungkol sa gagawin nilang pagtulong sa mga biktima ni Ondoy.

      Si Rico Gutierrez ang magdidirek ng Record Breaker at bongga raw ang preparation na ginagawa nila na na-stop ngayong linggo dahil sa pakikiisa sa mga niragasa ni Ondoy.

  4. i love her.. sana when she finds the man of her dreams.. she’ll be happy.. at sana kung sino man ang lalaking yun ang swerte mo dong. nsa kanya na lahat … HUWAG NA HUWAG mo syang sasaktan DAHIL PAPATAYIN KITA PAG NANGYARI YUN…… AM GONNA FIND U……. IF THAT’S THE LAST THING I WOULD DO…….CHAR………CHIKA….
    SERYOSO AKO….

  5. OT lang ako, bakit kaya hindi na nag-shoshow up ang mga recent comments dito sa may right side ng window’s screen tulad ng dati biglang nawala yon sana ibalik nila kasi ngayon puro ads na ang lumalabas.

  6. basta masasabi ko lang kung sino man sagutin ni sarah sa lahat ng lalaking nalilink sa kanya ay wag syang sasaktan dahil isa rin ako sa tahimik na tagahanga ni sarah at parang naiinlove na din kaya hindi ko mapapatawad ang mananakit at manggagamit lang sa kanya…ingat lagi sarah sana makahanap ka ng mabait na tao na pipiliin mong mahalin

  7. sarah is so beautiful..i like and love her so much!!she is d best among d rest!she’s not malandi at all! unlike others!!!kuya swarding,hndi lang ata cla ang nalilink ky sarah ..ang dmi2x pa ..!

  8. buti nga sa babaeng ito at nabugbog ni jinky. ba’t kasi pumatol sa may asawa. kung ako c jinky, ganon din gagawin ko. sana maisip ng mga gustong kumabit na hindi talaga pwedeng iwan ng lalaki ang asawa niya. yung mga kabit na yan, pampalipas oras lang ang mga yan.

  9. ganda talga ni sarah!lhat ng maganda nasa knya na!.pinapangarap sya ng lhat ng tao!isa na ako dun!..pinapangarap mging anak,alaga,nobya,ate,asawa,at mging sa pglaki!!..wala ka ng hahanapin pa sa isang sarah geronimo.

  10. ano ba swarding!!OA ka..!!ur so pathetic..bat d mo snama c rayver??,,c roni liang??,,c richard poon na nalilink cla ky sarah?bitter ka tlga!!..anyways,nalilink lng nmn ee..

    bsta kung saan mgiging masaya ang BHE BHE ng lhat masaya kming mga suppoters nya..mga milyong milyong supporters nya!bleeeh!!

    ….hala!!ano ang snsbi mong hndi inaabangan c willie sa wowowee?kapal mo!..c willie tlga ang ngpapalkas ng wowowee noh!anong gnon prin ang ratings??hndi kya..blik dti kya ang ratings..mataas na ang wowowee ulit at mbaba na ANG EB ulit!!..bitter tlga 2ng c swarding!pti c mariel inway!!

  11. Manny Pacquiao at si Leilani Alagcan ng Maayong Buntag Mindanao, talagang sinugod ni Jinky si Leilani at binugbog nang malaman na buntis ito. Isa siyang print endorser ngayon ng Blooms Facial spa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.