Guwapong young actor, retokado ang ilong?!

MAY NAGTANONG SA aming isang “kafatid” kung retokado raw ba ang ilong ng isang sumisikat na guwapong young actor?

“Parang sobrang tangos. Samantalang ‘yung isang brother niya, ang ilong, hindi gano’n katangos!”
Juice ko, ang babaw ng batayan, huh! Meron naman talagang magkapatid na magkaiba ang ilong, eh. Malay naman natin kung ang young actor lang ang biniyayaan ng matangos na ilong at hindi ang kapatid nito?
Noon pa ay narinig na naming “nagpatangos” nga raw ang young actor. Eh, kung totoo man, eh ano naman ngayon?  Granting na totoo, eh ‘di bongga ang pagkakagawa. Bagay naman sa kanya.
Hindi lang namin alam kung “nagparetoke” rin siya ng “hotdog,” huh!
(By Ogie Diaz)

Previous articleAktres, nagpalusot sa kagagahan!
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 84 June 29 – 30, 2011

No posts to display