Guwapong young actor, lulong alak, yosi at babae!

“HINDI KO alam kung sa drugs din, pero sigurado akong sobrang alcoholic ‘yang si _____.”
Kung sinuman ito, maya-maya, ibibigay namin ang clue. Kami mismo, akala namin ay social drinking lang ang kaya ni Guwapong Young Actor.
“Nako, sooobraaang lulong sa alak. Alak na nga yata ang ginagawa niyang tubig, eh. Pagsabihan mo, galit pa sa ‘yo.”
Hindi na rin magtataka ang kausap namin kung isang araw ay mabalitaan na lang niya na napaaway si GYA, dahil sa kalasingan.
“Ang kulit pa naman niyan ‘pag lasing. Ayaw patalo, kaya away na ang kasunod no’n!
“At alam mo ba, ha? Walang exaj, nakakawalong pack siya ng yosi. Grabe! Kaya obviously, amoy ashtray na ang bibig niya.
“Kaya ewan ko kung ano’ng mangyayari sa kanya in the future. Baka maaga siyang singilin sa atay at sa baga niya sa sobrang alak at yosi niya!”
Isa pa raw na sobrang hilig ni GYA ay sa pambababae. “Nako, Ogie, grabe! Sobrang hilig sa babae. Kahit me syota na basta me babae d’yan na alam niyang me gusto sa kanya, titirahin niya.”
Aba, ang prinsipyo pala sa buhay ni GYA ay, “Enjoy while it lasts”, eh. Parang make the most as if this is your last day and tomorrow you will die.
So ano ‘to? Dahil lulong sa alak – kanser sa atay. Lulong sa yosi – kanser sa baga. Lulong sa babae – STD.
Me panahon pa para magbago. Bigyan ng “kwenta” ng aktor ang buhay niya.
(By Ogie Diaz)

loading...

16 thoughts on “Guwapong young actor, lulong alak, yosi at babae!

  1. nu ba yan. ang cocorny nung mga malalayong hula..duh?! anyway im not a fan of this site..nadaanan ko lang then i read other’s guest, walang magawa ang corny haha.. skwater..get lost dude na galit sa bobo? look who’s talking haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.