Guwapong young actor: katakut-takot na editing kaya magaling umarte?!

TOTOO BA ‘TO? Na ‘yung hinahangaan nating isang young actor, dahil maganda na ang rehistro sa screen ay ang husay pang umarte, pero sa kinukunang eksena mismo, hindi gano’n kagaling?
Me gano’n?
“Oo, ‘Day! Si Direk nga, iritang-irita sa kaartehan ng batang ‘yan, eh. Talagang ‘pag eksenang emote, sasabihin niya, sandali lang daw at mag-i-internalize lang siya.

“Okay lang ‘yon. Actor’s cue, ‘ika nga. Pero, ‘Day, ‘eto na ang nakakalokah! Ang ibinibigay namang akting, waley din.  Kaya director’s cue na lang.
“Tapos, paputol-putol ang eksena na lang, kasi, mahirap din siyang magmemorya ng dayalog, eh. Mahal lang talaga ng kamera ‘yung mukha niya.
“Pero it takes time bago matapos ang kada eksena niya. Ang galing na ‘pag sa harap ng kamera, dahil obviously, merong editing doon, pero sa tunay na eksena ‘pag manonood ka? Maiinip ka!”
Well, kuwento lang naman ito at hindi nangangahulugang naniniwala kami, dahil hindi pa naman namin nakakatrabaho ang guwapong young actor, eh.
Ang galing-galing kaya niya kelan lang sa “Maalaala Mo Kaya,” dahil feeling namin, galing sa puso talaga ang akting niya.  Natural na natural.

(By Ogie Diaz)

loading...

20 thoughts on “Guwapong young actor: katakut-takot na editing kaya magaling umarte?!

  1. kung si JM nga ang tinutukoy no Ogie dito, obvious na wala nga siyang kredibilidad. Si Direk Lauren Dyogi ang nagpasok uli kay JM sa ABS after ma-impress sya sa akting nito sa isand indie film. at may interview pa kay Dawn Zulueta na puring-puri nya si JM dahil nasasabayan sya sa acting. yun nga lang walang back up na gay exec sa ABS si JM, kaya di tulad nina Jake Cuenca, Diether Ocampo,Ejay Falcon, etc, wala masyadong praise release. sa lahat ng young actors ngayon sa ABS, si JM lang ang di lang hasa sa workshop ng Dos, may formal training pa talaga sa Dulaang UP. obviously, walang edit sa teatro kasi live. Charot ka talaga Ogie, para ka na ring si Nanay Cristy mo. walang credibility

  2. kakaawa ka naninira ka ng mga tao sa kwento mo na di naman totoo. palibahasa di ka nakakakuha ng pera sa kanila! nakakahiya ka. buti na lang talunan ka sa eleksyon. Matalino pa rin ang mga pinoy di naniniwala sa iyo. 

  3. at least kht ineedit magaling, eh sa iba nga naedit na wala pa din mas katawatawa pa lalo hahahah

  4. pero magaling si JM eh, pinaguusapan sya sa mga Indies kaya nging artista syang gnap sa ABS , parang sinisiraan lang sya ng BI na ito.

  5. @abc: well di naman porket ganyan ang ginagawa ni JM eh ibig sabihin un na un.. there’s always a room for improvement and hindi un kasalanan ng workshop nila, syempre patuloy pa rin un. hindi nmn porke lumalabas ka ng bida sa tv eh tapos ka na sa workshop, tuloy tuloy lang un. life is a never ending lesson, so to speak. anong malay natin mag-improve pa sya diba? bata pa yan eh marami pang pwedeng mangyari sa kanya.

  6. @abc: well di naman porket ganyan ang ginagawa ni JM eh ibig sabihin un na un.. there’re always a room for improvement and hindi un kasalanan ng workshop nila, syempre patuloy pa rin un. hindi nmn porke lumalabas ka ng bida sa tv eh tapos ka na sa workshop, tuloy tuloy lang un. life is a never ending lesson, so to speak. anong malay natin mag-improve pa sya diba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.