Guwapong young actor, isinama ang hunk dyowa sa isang interview?!

BLIND ITEM: SINO ang guwapong young actor na ito na minsan, sa isang one-on-one interview ay pinaghinalaan ng ilang staff, dahil sino ba ang kanyang kasama that time? Isang non-showbiz guy na matipuno ang katawan. Barkada niya ba ito or what?

“Baka dyowa,” sey sa amin ng isang staff. “Kasi, panay ang sulyap ni young actor sa kinatatayuan nu’ng guy, eh. Eh, ‘di ba, may tsikang bangladesh ang lola mo kaya up to now, wala pa ring dyowang girl?”

Sabi nga namin sa aming friend, “Hindi na ‘ko choosy diyan, ha? Kahit dingga ang lola mo, papalicious pa rin!”

‘Di na kami magbibigay ng clue. Basta hindi na. Ayaw ng kamag-anak namin. Charring!

KINUKONDENA NG ILANG religious group ang dalawang eksena sa filmfest entry ng RVQ Films, ang Father Jejemon. Hindi nila gusto ‘yung gag na nahulog sa cleavage ng isang babae ang ostya at sumabit ang pustiso ng isang lola sa ostya, kaya naiwan sa kamay ni Tito Dolphy.

Si Zsa Zsa Padilla na tumatayong line producer ang binobomba ngayon. Kung siya raw talaga ang producer, ba’t hinayaan ang gano’ng eksena na parang “binabastos” ang “katawan ni Kristo”?

Feeling namin, walang intensiyon si Tito Dolphy na bastusin ang banal na katawan ni Kristo. Ginawa ‘yon para lang makapagpatawa. Pero siyempre, we cannot please everybody. At naiintindihan namin ang posisyon ng Simbahan tungkol dito. The latest we heard ay tatanggalin na nang tuluyan ang dalawang eksenang ito na nakakatawa pa naman, pero hindi sa panlasa ng mga Sarado Katoliko.

Medyo naawa lang kami kay Ms. Zsa Zsa sa kanyang mga tweets na baka ito na ang huling pelikula ni Dolphy at sana’y tangkilikin ng mga manonood.

Kaya nu’ng nagsimbang gabi kami, ipinagdasal namin ang kalusugan ni Tito Dolphy at ang pagkita ng Father Jejemon. Sana, tangkilikin natin. Iregalo na natin kay Tito Dolphy.

OO, TOTOO. HANGGANG December 31 na lang ang airing ng Pilipinas Win Na Win at ang sinasabing ipapalit dito ay ang The Price Is Right na isang game show na iho-host ni Kris Aquino. Kung hindi kami nagkakamali, 11am to 1pm ang Showtime at susunod na ang game show ni Tetay.

Sa ngayon, bumi-busy-busy muna si Kris sa pagpo-promote ng Dalaw at sa bawat guesting niya sa TV ay namimigay siya ng librong gawa nilang magkakapatid na hindi pinamimigay.

And by the way, marami pa ring shocked sa pagpapaalam ng PWNW, kaya sa Twitterworld ay may nagtanong sa amin kung hindi ba mae-extend man lang ang Pilipinas Win Na Win? Kaya sinagot namin ng: “Yes, extended. Hanggang December 32 siya.”

BINASAHAN SI AI-AI delas Alas ni Vice Ganda ng isang text message na ito ay humihingi ng sorry kung hindi nakasama sa Ang Tanging Ina Mo….Last Na ‘To! samantalang “anak” ito ni Ai-Ai sa movie. Na nu’ng banggitin ni Vice sa Showtime kahapon na si Heart Evangelista ang nagpadala ng message, naiyak na ang Concert Comedy Queen, dahil itinuring niyang parang tunay na anak si Heart.

Pero meron talaga sa pelikula na dapat sana’y may cameo role, pero “nag-inarte” raw, kaya pinalitan ni Direk Wenn Deramas. Sino kaya ito?

May idea ba kayo?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

19 thoughts on “Guwapong young actor, isinama ang hunk dyowa sa isang interview?!

  1. …kahit madaldal at maarte si Kris love ko sya,,,dahil?…sobrang open sa pagtulong sa kapwa, saludo ako kay Kris yun na….

  2. Wala naman nangyayari sa mga comment ninyo negative kay kris kasi sya parin ang isa sa pinaka sikat na artista sa bansa natin then si kris ang daming show at Product endorsement, Tingin ninyo ba tanga ang malalaking company sa pinas para kunin si kris na product endorser nila. Credible talaga si kris sa mga TV ads, idagdag mo pa ang movie niya MMF dahil sya lang ang bida doon pero top grosser. unlike si marian sikat daw pero flop lagi ang movie. lol

  3. korek kahit anong sabihin nyo about kris di nyo pa din mapapantayan ang kabaitan nya sa dami ng naitulong nya sa kapwa natin dapat pa bang pansinin ang make up ng tao…dapat pansinin natin kung gaano kalaki ang naitulong nya sa mahihirap kahit ganyan si kris spoiled brat napakabait at matulongin yan sa mga taong mahihirap…

    • Iyan din ang nabiliban ko kay Kris maski ganuun sya kadaldal, bilib ako sa daming natulungan ni Kris lalo na sa hundreds of kids na pina-aral nya at mayroon ng maraming nakatapos and kung loyal friend ka nya, galante ang matanggap mo na pasasalamat galing sa kanya. Marunong siyang makihati sa kanyang mga blessings kaya yon, daming endorsements/blessings. Maski ganuun ang personality nya pero marami pa ring mga advertisers na kukuha sa kanya kasi she is a credible endorser. I think ang mga artistang maraming endorsements ay si Kris, Sharon, Aga, at parang si Dingdong din? I might be wrong.

    • Kasi I think if I’m not mistaken, it was the late Pres. Cory Aquino who started to tell Kris to share her blessings to the needy kaya doon nagsimula ang pagtulong nya and I remember she commented how good it feels to help parang ang gaan daw sa dibdib and I agree with her kasi ako rin may pinapaaral akong mga bata na kapitbahay namin sa Pinas and i feel good about it, sana ang mga Pinoy/Pinay na nandito sa States na mga nurses, mag sponsor ng at least 2 kids in the Philippines to send to school, ang mga nurses dito ang laki ng kita nila. My sister is a nurse here in the States at ang laki ng sahod. Siya rin ang nagsabi sa akin na magpaaral ng mga street children na kapitbahay namin sa Pinas and it actually feels good na I’m doing it, parang mayroon kang accomplishment na nagawang mabuti maski hindi marami kagaya sa mga pinapaaral ni Kris. Kaya panawagan ito, yong maraming pera dito sa States, mag sponsor naman kayo para makatulong.

      • Mga GMA7 fanatic lang naman ang galit kay kris dahil wala silang tulad ni kris sa TV station nila.
        Mag concentrate nalang kayo sa isang ninyo sikat daw na artista na si Marian, panooring ninyo naman
        ang movie niya para madagdagan ang kita, flop naman lagi ang movie ni marian nakakahiya. unlike
        si Kris top grosser ang movie kahit si kris lang ang bida,. and take note hindi na kailangan ni kris
        magsuot ng costume. lol bote nga kaya marian (flopsida queen)

      • I agree with you na si Kris credible endorser kasi prangka sya and kong ano ang nasa utak nya, she does not hide it and a lot of companies nakikita na good quality yon ni Kris na hindi magnanakaw at honest kaya daming kompanyang kumukuha sa kanya, hindi ma bakante ng endorsement. I think si Kris yata with Sharon and Aga ang pinakamaraming ini endorse na product.

  4. ampangit ng mukha ni krazzy akino… nalulusaw na mukha nya…nagsilabasan na yata ang pinandagdag sa mukha nyang retokada..

  5. magbabalik ba si VANESA DEL BIANCO at sa tv 5 ito?/well,,,ok din naman sya ha,,..
    dapat lang alisin na si shalani sa willieng wilie ,,maganda ang desisyon na yan ng tv5 kase di sya bagay dito,,pilit at awkward sya,,,as in!!saka,,dipa man,,nanliligaw na si wilie,,kapal!!kala mo naman tipo sya ni shalani,,,,sirain nya pa ang life ni shalani,,,,,

  6. oo nga,,dapat ng alisin si SHALANI sa wilieng wilie,,hindi sya bagay dito,,mas ok si VALERIE AT SI KELY MISA,,saka,,,bakit kase nanliligaw si wlie,,,gayung alam aman nyang di say tipo ni shalani,,ang tipo na guy ni shalani,,ay maayos,decent,,respetadong tao,oo guy,,hindi gaya ni wilie,,na sira an at nega pa,..

    • Oi timang! talagang iniiba iba mo pa ang pangalan mo parang mag comment sa sarili mong mga comments! BALIW! saka bakit ganyan ka mag type, puro comma! bobo!

  7. puro nalang bakla,,etc,,ang blind item dito,,,kakainis na!!!kasiraan,,,.kung sana may proof,,e…mas ok,,e ,,haka haka,lang,,..may karma yan,,.mas ok na ilagay na lang ang SHOWTIME sa timeslot ng PI-WIN WN,,mas ok,,patatagin nalang ito,,,,at TRUE NA YANTANG SI VALERIE AY SA TV5 NA,,,KASE DIBA,,AALISIN NA SI SHALANI SA WILLING WILIE DAHIL NGA SA AYW NG TV5 EXEC ANG LIGAWAN ASHOWBIZ NI WILIE,,,NAKAKAISRA DAW SA SHOW ITO,,SAKA,ISANG PUBLIC SERVICE SHOW ANG BAGAY KAY SHALANI AT HINID GANITO,,SO,BYE SHALANI AT HELLO VALERIE,,na true bang magbabalik si VANESA DEL BIANCO at isasama sya dito??bakit di nalang si KELY MISA,,ok din naman sya,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.