Guwapong hunk model, sing and dance sa booking!

BLIND ITEM: KINSA Siya? Nakagugulat na mga salita ang narinig ko mula sa isang lalaking bayaran. Minsan isang gabi, may nakausap akong lalaking nagbebenta ng aliw. Habang tumatagal ang aming usapan, bigla niyang nabanggit ang pangalan ng isang indie actor na dating miyembro ng all-male group na ngayon ay out and proud call boy.

Sabi niya, may dyowang mayaman na badingerzi itong si indie actor. Pero dahil hindi rin naman ganu’n kalaki ang ibinibigay ng mayamang badingerzi sa indie actor, nagbugaw ito sa kanyang dyowang mayamang badingerzi ng isang hunk model sa halagang P80,000.

Sa isang hotel sa may Pasay nangyari ang milagro. Ang mas nakakagulat, all the way daw ang serbisyong ipinagkaloob ng hunk model as in sing and dance daw ito. Hala, ganu’n na ba kadesperado itong hunk model na magkapera?!

NOONG LUNES, SA live episode ng Juicy, inilatag ng limang hosts nitong sina I.C. Mendoza, Mo Twister, Shalala, Alex Gonzaga at Nanay Cristy Fermin ang kanilang mga pananaw sa isyung bumabalot sa misteryosong katauhan na pinatutungkulan ni Cristine Reyes sa kanyang mga tweets noong Linggo.

Medyo, napitik ng mga hosts ang dalaga dahil parang palagian na lang itong nakikipag-away sa Twitterworld. Naging nega rin ang dating ni Cristine sa isyu dahil obserbasyon ng karamihan ay si Sarah Geronimo ang kanya raw pinupuntirya sa kanyang mga parinig na kapwa pa naman taga-Viva, kung saan under contract siya.

Pagkatapos ng live episode ng Juicy, habang kumakain kami ng lunch sa canteen ng TV5, tumawag si Cristine kay Nay Cristy at nagpaliwanag ito. Mahaba-haba rin ang kanilang usapan at parang ipinaliwanag niya sa TV host kung ano ang punto at panig niya sa isyu. Pagkatapos naman ng kanilang pag-uusap, sunud-sunod na texts ang tinanggap ni ‘Nay Cristy at inilabas ito ng Juicy kahapon upang malaman ng publiko ang kuwento naman sa likod ng kanyang sama ng loob. Matatandaang nag-ugat ang isyung ito sa diumano’y biruan nina Sarah at John Prats sa rehearsal nila sa ASAP, nag-comment daw kasi itong si Sarah, words to this effect, “kapag magaling kang sumayaw, habul-habulin ka ng mga babaeng sexy.”

At narito ang ilang bahagi ng mensahe na ipinadala ni AA (palayaw ni Cristine) kay ‘Nay Cristy:

“’Nay ang kinakasama ng loob ko kasi, ako ang nagdadala ng mga ginagawa niya kay Rayver. Oo nasaktan siya pero hindi ‘yun dahilan para manapak ka.

“’Nay tama sila, biruan ‘yun, pero kung magbibiro ka po, sana ‘yung wala kang papatamaan. At maling biro ‘yun kasi alam niya na hindi ako nang-agaw. Alam na alam niya po ‘yun.

“’Wag niya po ako palabasin na mang-aagaw o naghahabol. ‘Yun lang po ang kinakapikon ko, titirahin niya ako patalikod pero ‘pag andu’n po ako ang bait niya sa akin.

“Kung malalaman n’yo mga pinaggagawa nilang pamilya sobrang  pananapak kay Rayver, ‘Nay maiintindihan n’yo po ako. Mahal ko ‘yung tao. Ako ang nahihirapan.”

Hanggang ngayon ay nanati-ling tahimik si Sarah sa isyu. Ayon sa statement na ipinadala sa Juicy ni Veronique del Rosario ng Viva, kakausapin daw nila ang dalawa. Nakakalungkot ang balitang ito dahil parehong nasa iisang kumpanya lamang ang dalawa. Sana maging maayos na ang iringan nina Sarah at Cristine dahil magpa-Pasko na.

MAMAYANG GABI PAGKATAPOS ng Willing Willie, isang espesyal na episode ng Star Confessions ang inyong matutunghayan. Buhay ni Carmelito “Shalala” Reyes ang ibibida ni Roderick Paulate. Alamin ang mga hagulhol sa likod ng nakakatawang si Shalala. Makihalakhak tayo at makiiyak sa madrama at makulay na buhay ng blind item queen mamayang gabi na sa TV5.

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.