Guwapong hunk actor, gusto nang manapak sa pagkapikon sa gay issue!

MASAYA SI PHILLIP Salvador sa pagkapanalo niya sa kasong estafa na isinampa laban sa kanya ng dating live-in partner niyang si Cristina Decena. Ana’ng aktor, sa dami umano ng bagyong kanyang dinaanan, alam daw niyang hindi siya bibitiwan ng Diyos. Dahil iyon lang naman daw ang kanyang laging ipinagdarasal.

Dagdag na pahayag pa ni Phillip, meron din naman daw siyang mga kaibigan na naniniwalang hindi niya ginawa ang akusasyong pang-i-estafa na umabot ng kung ilang milyon ang halaga.

Sa lahat daw ng pananaksak sa pagkatao niya, he kept quiet. He never said anything. Inalis na raw niya ang galit sa kanyang puso. Tao lang daw siya. ‘Yong sa pagdemanda raw naman ng nagsampa ng kaso sa kanya, iba raw ‘yon. Kaya ipinagdarasal umano niyang mabuti kung anuman. Nawasak daw kasi ang buhay at pagkatao niya nang dahil do’n.

Matatandaang naunang na-convict na ang aktor for the said case. Pero kanyang iniapela ito. At nanalo nga siya.

Tinangka naman naming hingan ng pahayag ang dating karelasyon ni Phillip na si Cristina Decena hinggil dito. Isang official statement through text ang natanggap namin sa kampo niya and it says: “Regarding this matter, I would like to leave it to my lawyer as to whatever legal or necessary action should be taken although an appeal, it was the OSG which handled the people’s case. Six years have passed and I’ve already moved on. Right now I feel so blessed and couldn’t ask for more. I just want to focus on my family and businesses especially my newly-acquired Cristina Decena Realty & Development Corporation. I’m fine and happy with my life. I’ve learned so much with what happened before and this made me a stronger and better person. I also have realized that one of the secrets of genuine happiness is forgiveness. I wish everyone including Phillip the best. Thank you very much! – Cristina Decena”

Naka-move on na si Cristina. Siguro naman makaka-move on na rin si Phillip.

PIKON NA PIKON na ang isang guwapong hunk actor hinggil sa pagli-link sa kanya sa kung sinu-sinong kapwa aktor.  Pinakahuli ngang iniuugnay sa kanya ay ang isang guwapito ring newcomer na lumalabas sa isang panghapong teleserye.

Isang reporter ang kati-katerang hindi napigil ang sariling tanungin ang hunk actor recently, kung ano ang reaksiyon nito sa tsismis sa kanila ng baguhang aktor. Biglang init daw agad ng ulo ng hunk actor sabay talak sa reporter na hindi na raw talaga umano siya naka-move on sa gano’ng isyung nagli-link sa kanya sa kapwa niya lalaki.

Bukod kasi sa baguhang aktor na iniuugnay sa kanya, inili-link din siya sa isang guwapong-guwapong bagets na aktor na ka-loveteam ng isang popular young actress. Babala tuloy ng mga taong close kay hunk aktor sa iba pang movie press, huwag na huwag na raw tatangkain pang magtanong tungkol sa kinukuwestiyong gender nito. Or else, baka biglang manapak na lang daw ito kapag hindi na napigil ang pagkapikon sa nasabing isyu.

Truth hurts? May ganyan?

SA ISANG EVENT na ginanap sa National Press Club building kamakailan, nasaksihan namin kung paano namangha ang lahat ng naroon sa husay sa yoyo tricks ng isa sa Talentadong Pinoy hall of famer na si Joshua Davis. Walang hindi napapapalakpak habang sige sa pagpapakitang-gilas ang binatilyo.

Excited na nga raw ang binansagang ‘Yoyo Tricker’ sa nalalapit na pagtutunggali nila ng iba pang hall of famers ng number one talent show sa bansa. When asked kung paano niya uungusan ang iba pang makakalaban, abangan na lang daw sa mismong competition which will be held sa Cuneta Astrodome on March 6.

Sa kanyang fans nga pala, you may log on sa facebook account ni Joshua: yoyotricker@yahoo.com or yoyomaster10@yahoo.com

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Guwapong hunk actor, gusto nang manapak sa pagkapikon sa gay issue!

Leave a Reply

Your email address will not be published.