Guwapong bagets na rock singer, pinagtripan ng bading na kasama sa gag show!

SINO ANG guwapong bagets na rock singer na pinagtripan ng bading na kasama niya sa isang gag show?
‘Eto na: merong sariling segment ang komedyanteng bading kung saan pinagtitripan ang mga common tao sa kanyang “blindfold” joke.
Eh, ginawa nito ito sa guwapong bagets. Tinakpan nito ang mata ng bagets at maya-maya ay biglang nagtanggal ng piring ang bagets, dahil napasigaw ito ng, “Tang @$&, ano yon?” sabay pahid ng bagets sa sariling labi na parang nadudura pa.
So feeling talaga ng bagets, nanakawan siya ng smack ng bading. Pero ang sey ng bading, “Hindi, daliri ko lang ‘yung idinampi ko sa labi mo!”
Tapos, paulit-ulit pa rin siya ng tanong kung sure sila na daliri, ah? Eh, mura nang mura ang bagets.
Even the staff affirmed na daliri talaga ‘yon at hindi labi ng bading, kaya napanatag na ang loob ng bagets.
But the truth is, labi talaga ng bading ang dumampi sa labi ng bagets. Hindi lang nila maamin, dahil baka magwala na nang tuluyan ang bagets.
Hahahaha! Ang suwerte naman ng bading, huh!
Hay, nako, makapagpabango na nga muna ng anong brand nga ba ‘yon?

By Ogie Diaz

 

loading...

6 thoughts on “Guwapong bagets na rock singer, pinagtripan ng bading na kasama sa gag show!

Leave a Reply

Your email address will not be published.