Guwapong aktor, niloloko ang napakagandang dyowa!

OLA CHIKKA! SA sobrang dami ng tsismis at kaguluhan sa mundo ng showbiz, hindi na alam ng makati kong dila kung saan magsisimula! Una na rito ang pangingialam ni Kris Aquino sa lovelife ng kanyang kapatid na si President Noynoy. Bidang-bida kasi ang balitang hiwalay na si P-Noy sa kanyang dating kasintahang si Councilor Shalani Soledad. At siyempre, knowing Kris Aquino ay malamang marami siyang sayings, na lumalabas tuloy na pinang-hihimasukan na niya ang buhay ng kapatid. Siguro concern lamang siya, ngunit mukhang mas ikatutuwa pa ng kanyang kuya kung mas uunahin niyang ayusin ang sarili niyang problema sa pag-ibig kaysa kung kanino pa.

Kitang-kita ng marami kung gaano kagulo ang lovelife ni Tetay kaya marami ang nagsasabing wala siyang karapatang pakialaman ang buhay pag-ibig ng kahit na sino pa man. Kahit gaano pa siya katalino ay talo naman siya kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan.

Sabagay, kahit ako nga naman ang bigyan ng advise ni Kris, malamang hindi ko rin naman siya pakikinggan, baka magaya pa ako sa love story niya.

Ooops! Beep! Beep! Baka may magalit! Sadyang naghahayag lamang ng opinyon at sinasabi ng nakararami. Oh! pag-ibig na makapangyarihan! Ha-ha-ha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong napakaguwapong aktor na madalas maispatan na may ka-date na pagkaganda-gandang non-showbiz na babae?!
Bakit? Wala namang masama kung makipag-date, hindi ba? Ngunit papaano kung itong si guwapong aktor ay may dyowang kapwa niya artista at honestly speaking ay isa sa mga controversial na lover in real life?! Tamah! May dyowa na itong si guwapong aktor ngunit nakikipaglandian pa sa ibang babae. Naku, huh! Bad ‘yan!
Nakita kasi ng aking parazzi girl itong si guwapong aktor sa Rockwell at magalang pang isinakay ng binata sa kanyang kotse ang Ingleserang non-showbiz girl. Ano nga naman bang sinabi ng dyowa niya? Maganda nga, pero masama naman ang ugali at sobrang nakaaasar ang bibig dahil sa mga salitang binibitiwan! Kunsabagay, hindi natin mapipigilan si guwapong aktor sa isang sosyalera na may pamatay na katawan at mukha, tapos mukhang matalino pa.

Sino ba namang lalaki ang hindi gugustuhing maka-date siya?!

Mukhang madalas nagde-date itong dalawa dahil naispatan ulit sila ng aking parazzi girl na kumakain sa isang tagong restaurant, masayang kumakain at nagkukuwentuhan na pagkatagal-tagal pa! Hindi naman puwedeng mag-BFF lamang sila ‘noh, as in Best Friend Forever, ‘di ba?

Itong mga araw na ito ay mga panahon kung saang alam ng marami na nagpapahinga galing sa sakit si guwapong aktor, ngunit… nagkakamali sila! Ha-ha-ha! Malamang, kapag nalaman ng dyowa niya ito ay magkakaroon ng World War 100 dahil sa ugali ba naman nu’n na walang kinatatakutan!
‘Yun na!

Hindi n’yo pa rin mahulaan? Subaybayan na lamang sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12: NN. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

46 thoughts on “Guwapong aktor, niloloko ang napakagandang dyowa!

  1. itigil ang kaguluhan!! si dingdong itetch at si nanay marian… bakit masama bangmakipag date sa ingglisera si dingdong.. edukado si dingdong at inglisero.. nagaasawa na siguro sya sa pagka psychology ni nanay marian kaya minsan naghahanap ng matinong kausap!

  2. hahaha, won’t be surprised if this blind item on dingdong is true. sa ngayon pa lang na hindi pa sila mag-asawa mukhang ang haggard na ni dingdong. never seen dingdong so haggard kahit pa kina karylle and antonette. karma na nga siguro sa kanilang dalawa ito. he got what he asked for and this is part of what he gets a miserable life. marian even before wants him so bad so i guess it is part of every mans fantasy na pinagnanasahan siya. and he did gave in. ngayong nabitag na siya he gets bored and wants it out. wag naman sanang maging katulad ng fatal attraction that everything went bad. so good luck to both. opinion ko lang there really is bad going on in dingdong and marians relationship. si marian kasi todo bigay wala nang tinira. at tindi ng kapit talaga ni marian. sabagay nasa kanilang dalawa lang ang huling desisyon it is either going heaven or hell and nothing in between bwahahaha!

  3. kawawa naman si Dingdong parang nakatali kay marian kasi,,kay marian nakasasalay ang career nya..dba nga sumikat yan dahil jan sa malntong na marian so kinagat din nya ang paglalandi ni marian,,ngaun na realized siguro nya na d nya kaya ang ugali ni nanay marian..imagined mo naman ang babae na nagsasabi na wala daw “makakatibag sa kanila ni dong” coming from marian yan sa isang interview ano yan marian hawak mo si Dingdong sa leeg hahaha..eto naman si dingdong takot kasi alam nya na pagwala na sila ni marian.lulubog din ang career nya..kaya patago lahat,,ingat ka dong sa gf mong tigre wag kng papahuli hahaha…

  4. totoo talaga!! buti naman at natauhan na si DIngDOng kapre..sori dong kala ko pa naman magaling ka pumili sa mga babae..from tonette to karylle yun atleast my breeding ngaun, nilandi ka lng ni MArian nilaglag m na yung gf m na initindi ang career mo kahit na naglalandian kau ni marian sa concert…well well karma nga naman…umayos ka naman dong 30 ka na piliin mo na yung babae indi asal kalye… hahaha

  5. KAYA NATALO GROUP NI VICE GANDA SA SHOWTIME DAHIL SI KRIS NAG INTRODUCE, HINDI ALAM NI VICE, HATE NG KABATAAN SI KRIS. SABI PA NI KRIS, GUSTO DAW NIYA UGALI NI VICE. SOSMARYOSEP..NAGSAMA ANG DALAWANG IMMORAL AT BASTOS. PARANG MAY SILI MGA BIBIG NILA PALAGI.

  6. True! Dingdong may ibang dine date. Saw them pero pasakay na sila sa car. Wag maniwala ang ayaw, lalabas din Ang katotohanan.

    • saw them where? hahaha….naki ride on ka naman. madali lang sabihin na nakita kahit hindi. ano ba gamit mo na cp at wala yatang cam o video.

    • jan laang nmn dinadaan ng mga writer-detractors (in fact, hindi nga sila dapat tinatawag na writer/journalists kasi hindi professional!) ang paninira nila sa mga artista.

      lol at least sa hollywood, the blind items are delivered in a creative, witty way. sa pinas, kakatawa. alam mong walang mashado brain usage. ha ha ha.

      show the proof, i challenge you.

  7. mr. swarding yeah you’re absolutely & perfectly right. whoever your source was dingdong usually go to rockwell/powerplant mall & greenbelt also. Just an additional info. sometimes he’s also in serendra & shang & he loves to eat out coz i always bump w/ him (lucky me i swear!) w/ a gorgeous, head-turner, simple but elegant & petite but sexy lady, and that is MARIAN RIVERA!

      • for argument’s sake, kung tsimay man, at least marangal na trabaho. kung palengkera man ang tingin nyo kay Marian, at least nasa tamang or may deep reason. [dyesebel, nabastos siya. sa darna, binastos kaibigan niya.]

        be a little creative naman sa paninira nyo. mejo laos na.

      • hindi anak ng tsimay si marian, baka ang ibig mong sabihin si angel na anak ng isang katulong…

      • saan nakilala ng tatay ni marian ang ina niya? AT bakit hindi sinasabi ni marian na merong pamilya ang tatay niyang kastila sa spain? DO THE MATH!

  8. HOY! bakit nyo isinali ang Kristine sa Poll nyo? e ang ganda ganda ng kristine! kakaiba! kung sino mang nagsali, TANGA! mas maraming pangit na show ang dapat tanggalin lalo na sa gma7 kesa sa kristine!!!

    • IT IS NOT NECESSARY TO THREATEN SOMEONE WITH BODILY HARM. PUWEDE MONG I-REPORT ITO SWARDING.

      • Just check their IP Adress is all there is. This is called Cyber Bullying/Threatening, and these people can sit in jail. Threatening somebody with bodily harm is a CRIME! Sobra na kayo.

  9. walang hiya ka swardinggggggggggg!!may BI BI ka pang nalalaman na kesyo may nakakita ganito ganyan…wala namang ebdensya!! maglabas ka ng ebidensya para maniwala kami bakla ka!!!swarding hayop!! mukhang kabayo!

  10. Si Dingdong Dantes and hula ko. Siguro, nagsawa na sa palengkera at reality strikes. Balik disente at socialera ang gusto niya.

    • hindi si Dingdong yan mahal na mahal kaya ni Dingdong si Marian at saka busy sila pareho at bakit naman doon pa ang daming makakita doon kung ako si Dingdong sa labas ako ng Pinas makipagtagpo at saka kung ayaw na nya kay Marian tapatin nya para hindi nman kawawa si Marian na naghihintay …..basta ako love na love ko si Marian nagagandahan ako sa kanya kung sakali man maghiwalay sila si Marian ang pipiliin ko kay Marian lang ako

  11. malabong si dingdong yan, nagsalita na siya sa isang website…

    pinatulan nyo naman yung isang nagsabi lang na nakita sa may greenbelt nakita sa rockwell hahaha… high tech na tau ngayon anong ginagawa ng mga cellphone nyo wala bang cam o video man lang yan para makita naman na me kasama nga si dong na ibang babae…. hindi ba me condo unit si marian sa rockwell eh bat dun nag de date si dong ng ibang babae mismo pa dun kung saan si marian, patawa ba kayo???

    laging magkasama sila dong at marian ni wala na nga time si dong kasi sunod sunod ang mga ginagawa niyang projects sobrang busy siya….

    • ay korek…may don ang condo ni marian at nadine s. bkit nmn sa malapit sa lugar ni yanyan dba? ala bang isip si dong(don’t like him 4 yanyan…mukha tlgang gingmit lng sya…sori sa mga donyan fans)
      i rily like MR kc ilang beses narin nmin syang nkasama…kalog,makulit mahilig sa bata at sobrang lambing

      basta alko…not a fan of MRbut rily like her
      dong in the other hand…chotto sekaku warui mittai….lol

      • OO nga naman..may punto ka jan teh!! high tech na nga nman tayo bakit hindi nila kinuhanan ng video?o di kaya pinicturan?! at dun pa talaga kung saan may condo unit si Marian ha….Hala Swarding bakla ka buking ka na oh!!! pwede ba kung maggagawa ka rin lang ng storya pwede yung kapanipaniwala!! walang kwenta tong sinulat mo eh prang ikaw walang kwenta!!!hahhahaha

  12. Tang ina mo Swarding!!!!Naggagawa ka nanaman ng walang kwentang storya!!!Pansin ko ha…bakit ba parating si Marian ang puntirya mo!!!INSECURE ka siguro noh…dahil kung anong kinaganda ng mukha ni Marian sya namang kinapangit ng mukha mo!!!mukha kang bangkay na ewan….bumalik ka na nga lang sa kabaong mo ng matahimik ka na!!!R.I.P!!!

  13. Anu ba yung article ni Anghit poksin dito, nilalangaw hahaha…

    Ang masasabi ko lang, ang gwapo ni Sam Milby at Chad Michael Murray… Di sila bagay kay Anghit poksin…. eeeew nabasa ko sa GMTV thread ng pex na comment ng isang anghit fan… sana daw ipartner si Anghet kay Chad sa isang movie…. eh mukha namang maid ni Chad si Anghet…

    Si Dingdong ba yung blind item? for me, di sya gwapo…. Si Sam Milby lang ang gwapong local actor sa paningin ko…. Worldwide, he’s 2nd to Chad Michael Murray sa kagwapuhan….

  14. hahaha! Wala naman kasing breeding c Gurang! At may anak na kaya paano seseryosohin ni DD yan? Ginagamit nya lang c Gurang para pakiligin ayong mga fans nila at para may datung pa..hahaha!

    • Kung totoo man ito, palekero pala yon si Dingdong, sana hindi naman. Hindi naman maganda yong pinagsabay, kumalas muna sa isa bago pupunta sa iba. Sabagay, kong may love team sila ni Marian, hindi magawa ni Dingdong na kumalas.

  15. Gwapong aktor??? Ang gwapo lang naman sa paningin ko ay sina Sam Milby at Chad Michael Murray noh… magkamukha kasi sila… Di ko like ang itsura ni Dingdong…. pero maganda si Marian…

    • ay ako nmn c dennis t. lang ang wafu skin…lol
      pandak nga lng….hehehe

      yes totoong napakaganda ni marian…cla lng ni kristine h. ang pwedeng magpantay sa kagandahan….wehhhhh

  16. Luma na iyang BI tita Swarding, pinag usapan na nga iyan eh. Si Dingdong at Marian ang tinutukoy mo. At si Dingdong may ibang dinedate na girlash? Ewan ewan. Alamin munang maigi bago maghaka haka. At kung tutuo man, it’s their lives! Tarush!

Leave a Reply

Your email address will not be published.