Guwapong aktor, nakawiwindang ang bad breath!

OLA CHIKKA! THANKS God, it’s Friday! Kaloka ang mga bali-balita na P57-M ang binayaran ni Willie Revillame sa BIR ngayong 2010! Mayaman pa siya sa mga may-ari ng mga network, at kinabog pa niya ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, ‘di ba?

Sino lang naman ang nagsasabing mayaman siya, eh sino pa ba, kundi ang la-ging nagpapabida sa kanya na si Cristy Fermin. Ito lang naman ang nagsasabi na mayaman si Willie. Saan nga ba galing ang pera nito?

May nakapagsabi lang naman sa akin na isa lang siya sa mga ‘asset’ ng isang mataas na tao at siya lahat ang nag-eendorso. Sino ba ang sumusuporta sa kanya, ‘di ba?

Kaloka! Ikaw na ang mayaman na hindi naman sa ‘yo nanggaling ang ka-yamanan na ipinapa-press release mo. Kailangan pa bang i-broadcast ‘yan?! Ha-ha-ha!

At inaabangan daw ang Willing Willie sa ibang bansa. Saang banda? Haller! Hanggang kailan kaya babayaran ni Willie ang mga thunders at fans para lang sumuporta sa kanyang programa, eh hindi naman talaga nakakawili? O, hanggang kailan kaya susuportahan si Willie ng isang bigating tao?

Kasi naman, tama na ang pagsasabing mayaman si Willie, eh dati lang nakasama ko ‘yan sa isang talkshow na Actually, ‘Yun Na! sa RPN 9. Wala talaga siyang binatbat, ‘di ba?

Tapos ngayon, isang click lang, bilyonaryo na ang lolo mo. Ang taray naman!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino naman itong hunk actor na ‘to na talaga namang kung titignan mo ay napa-kaguwapo, pero nakawiwindang naman ang pagka-bad breath? Bakit kaya? Totoo kaya ito? O , may naninira lang sa kanya?

Kaya raw siya inayawan ng isang sikat na actress na maka-kissing scene, eh dahil sa amoy ng hininga nito, ‘di ba? Sa bagay, kung ako naman din ‘yun, aayawan ko talaga ‘yun.

Ayan para sa mga clue, nabaliw ang aktor na ‘to sa dating bidang naging kontrabida. ‘Yun na!

Para sa marami pang pitik-bulag, pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:00 NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Guwapong aktor, nakawiwindang ang bad breath!

  1. i agree dito sa news ano va nmn christy fermin….halos sambahin mu n si willy.hay naku di ko tlga gusto pgbabalita nya kc puro n lng paninira./..

  2. SWARDING my dear…….. get a life!!!!!!!! ikaw kse e mataas ang pride mo kung sumama ka kela cristy fermin di sana rich kna rin… tsk tsk tsk kawawa ka nman ….. nakakamatay ang sobrang ingget!!!!!!! isipin mo habang sila ay namamasasa at nagbibilang ng salapi ikaw ay todo kayod sa kakahagilap ng maitsitsismis mo sa araw araw…. my dear anong pagkakaiba mo sa ampalaya????? WALA!!!! pareho kyong kulubot at bitter!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.