Guwapong aktor, hiyang-hiyang sa kanyang ‘chicken legs’!

SUPER HATE NG isang guwapong aktor ang kanyang legs, sa totoo lang. Kung ano’ng inilaki at iginanda ng matipuno niyang katawan ay siya namang itsiniken legs niya.
Eh, ang projection niya kasi ngayon (bilang pagsubok sa bagong image) ay action star siya. Kaya naninipisan siya sa kanyang binti.
‘Pag naka-maong siya, bumabakat ang nipis ng binti niya, and he hates it. Really.
Kaya ‘pag magte-taping siya, alam n’yo ba kung ano ang ginagawa niya? Dalawang maong ang suot niya para magkaroon ng kapal ang binti niya at umusli pa ang puwet niya.
Kaya ang mga bading sa set, medyo napapatingin din sa kanyang “kargada” dahil “Felix Bakat” ang drama nito. ‘Yun pala, magkapatong na maong ang kanyang suot-suot.
Kami naman, hindi namin ito ibina-blind item para pagtawanan ito. Siguro, bahagi na rin ito ng kanyang career level-up, kaya kesa mag-spend siya ng matagal na workout sa chicken legs niya ay niremedyuhan na lang niya.
Ang makahula nito, bibigyan ko ng virtual flower.
(By Ogie Diaz)

loading...

8 thoughts on “Guwapong aktor, hiyang-hiyang sa kanyang ‘chicken legs’!

Leave a Reply

Your email address will not be published.