GUWAPONG ACTOR, SA ‘TATE NAGLALANDI

SINECH ANG GUWAPONG aktor na ito na napatunayan ng isang fan na taga-Tate na may lansa ang amoy niya? Hinabol-habol daw kasi ng fan ang naturang aktor nang makita niya ito sa isang mall sa U-S of A. Nang abutan, inilabas daw niya agad ang picture nito para magpa-autograph.

Pero ang ikinalurkey ng fan, e may ka-date pala ang guwapong aktor na isang bagets sa naturang mall! Muntik na raw mag-tumbling ang tagahanga ng makipag-lips-to-lips na ang aktor sa bagets! Hahaha!

Nawala raw ang paghanga ng fan sa guwapong aktor. Naku, hindi na ako magbibigay ng clue. Alam n’yo na naman kung sino siya, ‘di ba ? Hahaha!

(Tita Swarding)

Previous articleAGING DIVA, INIIWASAN NA NG PRESS PEOPLE
Next articleYOUNG ACTOR, SUPER DENY SA RELASYON KAY YOUNG GAY TV HOST

No posts to display