Guwapo at tinitiliang aktor, ‘di na nahihiyang ‘magpaka-bading’ ‘pag kilala na ang kausap!

‘DI NAMIN KINAYA ang isang tsikang ito. Na kapag masyado na palang kumportable sa isang tao ang isang guwapo at tinitiliang aktor ay hindi na ito nahihiyang mag-bading-badingang lengguwahe.

“Kumusta ka naman diyan, mama? Ano na ang latest?” Ganyan daw palagi ang lumalabas sa bibig nito. Kaya ‘yung ibang kasama ay nagdududa na sa kasarian nito.

Pero sabi naman namin, hindi naman batayan ‘yon para sabihing bakla na ang isang tao.

“Eh, tingnan mo naman ngayon, Ogie, me nabalitaan ka bang girlfriend niya?”

Sagot namin, “Gagah, ‘wag ka nang lumayo. Ako nga, me asawa pa at apat na anak, ano, barako na ba ang dating ko sa ‘yo?”

Natawa na lang ang aming kausap. At tinanong pa namin ito kung type ba niyang mahada ang aktor na ‘to?

“Oo naman, ‘teh. Ang gwapo, ‘no!”

“O, kaya ‘wag mo nang pagdudahan, dahil kahit bading pala, gusto mo pa ring hadahin, choosy ka pa!”
Hay, naku… ‘eto naman ‘tong mga ‘to, sa siyudad naman nakatira, ba’t tsumu-choosy pa!

O, siya, ‘eto na ang clue. Ang initials niya ay nasa first six ng alphabet.

Ang dali, ‘no?

(By Ogie Diaz)

Previous articleYoung couple, nagdesisyong mag-cool off para maisalba ang lumalamyang kasikatan ng aktor!
Next articleYoung actor na ‘di maka-iskor sa dyowa, nagparaos sa 2 babae!

No posts to display