Gustong pumalit kay Corona, 11 na

UMAKYAT NA sa 11 ang bilang ng mga tumatanggap ng nominasyon sa susunod na punong mahistrado ng bansa.

Ayon sa Judicial and Bar Council (JBC), kabilang dito ang dalawang associate justices ng Supreme Court (SC) na sina Arturo Brion at Roberto Abad, at sina Atty. Katrina Legarda, dating University of the Philippines (UP) Law Dean Raul Pa-ngalangan at Professor Rafael Morales.

Kasabay ng dapat sana’y huling araw ng pagsusumite ng nominasyon at aplikasyon kahapon, tinanggap din nina La Salle Law School founding Dean Jose Manuel Diokno, Atty. Rodolfo Robles, Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rene Sarmiento, retired Judge Manuel Siyangco Jr., dating Ateneo Law School Dean Cesar Villanueva at dating Executive Secretary Ronaldo Zamora ang kanilang nominasyon bilang kapalit ng napatalsik na dating Chief Justice Renato Corona.

Samantala, kabilang naman sa mga tumanggi sa nominasyon sina Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Roan Libarios, Prosecutor Marianito Sasondoncillo at dating Energy Secretary Raphael Lotilla.

Sa ngayon, tinatayang umabot na sa halos 40 ang natanggap na nominasyon at aplikasyon ng JBC para sa bakanteng posisyon ng chief justice at bukas pa rin na madagdagan ang bilang na ito hanggang Hulyo 2. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.