Gustong mang-double cross Tiktik ng pulis, inutas ng mga kabaro

PINANINIWALAANG GUSTONG solohin o mag-double cross ng isang hinihinalang police asset kaya naman pinagtulungan siyang barilin ng kanyang tatlong kasamahan habang nag-iinuman sa Zamboanga City.

Sa ulat ni Chief Insp. Elmer Acuña, hepe ng Zamboanga City Police Station 6, alas-4 ng madaling-araw nang paslangin si Ranni Balagod, 32 anyos, tubong-Kabasalan, Zamboanga Sibugay, at umano’y intelligence asset ng pulisya.

Nag-iinuman ang biktima at tatlo pang kasama na umano’y intelligence operatives din sa Daisy Road sa Brgy. Guian subalit nagtalo dahil sa isang transaksiyon.

Makaraang mapaslang ang biktima ay nagpulasan ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.

Narekober sa lugar ng crime scene ang siyam na basyo ng bala ng cal. 9 mm pistol.

Tumanggi naman si Acuña na idetalye ang transaksyon ng biktima at ng tatlong tumakas na salarin dahil sa pangambang masunong ang pagtugis sa mga ito. (EUNICE CALMA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.