Gustong makipagbalikan sa ex-gf JayR, nanliligaw ulit kay Krista Kleiner

BAKA MAGKITA raw uli ang mag-asawang Jose at Anna Lyn Manalo sa hearing ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa ni Anna Lyn sa komedyante.

Nagkaroon kasi ng hearing nu’ng nakaraang Miyerkules sa San Juan Prosecutor’s Office, kung saan nag-submit si Anna Lyn ng kanyang reply affidavit.

Ang sabi raw ng abogado nila, magkakaroon uli ng hearing sa May 9, kung saan doon sila magsa-submit ng rejoinder. Kaya dapat nandu’n silang dalawa para sumpaan ‘yun.

Ano na naman kaya ang drama na mangyayari ‘pag nagkita sila uli, dahil ang sabi ni Anna Lyn, wala na raw talagang komunikasyon at hindi na nagpapakita si Jose sa kanila.

Kuwento pa ni Anna Lyn, nu’ng nagkita sila noon ni Jose sa Fiscal’s office, may binigay raw siyang sulat kay Jose mula ‘yun sa bunsong anak nilang si Colyn. Hindi raw niya alam kung binasa ba ‘yun ni Jose at kung pagbibigyan daw ba nito ang hiling ng bata.

Si Jose naman kasi tahimik lang at ayaw na niyang magsalita pa dahil sa totoo lang, siya ang talo rito kung papatulan lang niya ang asawa niya.

Kaya iniwan na niya ito sa mga abogado niya. Kaya lang, ayaw naman daw magsalita ng mga abogado niya, kaya abangan n’yo na lang sa Startalk ang statement ng TAPE, Inc. kaugnay rito.

Alam ko, magbibigay din ng statement ang TAPE tungkol naman sa TRO na isinampa nila kay Anna Lyn.

Nu’ng huling punta kasi ni Anna Lyn sa Eat Bulaga, nagkaroon ng gulo kaya ayaw na nilang palapitin doon, basta hindi lang naman magkukulang si Jose ng suporta sa mga anak nila.

Abangan n’yo na lang ang kabuuan ng kuwentong ‘yan sa Startalk bukas.

INAMIN NAMAN pala ni JayR na talagang nanliligaw siya uli ngayon kay Krista Kleiner para magkabalikan sila.

Kaya lang, nabibigla na lang daw si JayR na biglang nagpapa-interview agad si Krista. Hindi lang daw siya sanay na masyadong showbiz na raw ang kanilang relasyon.

Sana raw, pribado na sa bahaging iyan dahil gusto niyang tahimik lang sana ang relasyon nila ni Krista, kaya gusto niyang makipagbalikan.

Eh, ito naman kasing si Krista, ang hilig-hilig magpa-interview kaya nabibigla na lang si Jay R na nalalaman agad sa media ang update sa relasyon nila.

Alam n’yo tingin ko diyan, magkakabalikan sila in time sa promo ng dance album ni Krista.

Si JayR kasi ang tumutulong sa pagpu-produce nito, at sabi ni Krista malapit na raw nilang i-launch ito.

Kaya tiyak ko ‘yan, nagkabalikan na ‘yan sila sa launch nitong dance album ni Krista.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Gustong makipagbalikan sa ex-gf JayR, nanliligaw ulit kay Krista Kleiner

Leave a Reply

Your email address will not be published.