Gustong magpaputi Kelot, kulong sa papaya soap

SA KULUNGAN NA ngayon tuluyang magpapaputi ng kanyang kutis ang isang binata matapos itong hulihin ng mga awtoridad nang maaktuhang nagnanakaw ng papaya soap sa isang supermarket kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Theft ang suspek na si Byan Asuncion, 26, ng No. 85 Alaska St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Ultra Mega Supermarket na matatagpuan sa No. 1584 A. Mabini St., Sangandaan, Caloocan City.

Bago ang insidente, pumasok ang suspek sa loob ng nasabing supermarket at nagpanggap na customer at kumuha ito ng isang pirasong Likas Papaya na nagkakahalaga ng P32.50. Sa halip na tumungo ito sa cashier booth para bayaran ay dumiretso na ito sa exit.

Paglabas ng suspek ay agad itong hinarang ng security guard at nakuha mula rito ang nasabing sabon dahilan upang dalhin ito sa nasabing himpilan ng pulisya at sampahan ng kaso.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.