Gustong Magpakasal sa BF na Kasal sa Iba

Dear Atty. Acosta,

 

MAYROON PO akong nobyo. Tatlong taon na kaming magkarelasyon at napag-uusapan na namin ang tungkol sa posibilidad ng aming pagpapakasal. Ang problema po ay mayroon na siyang asawa. Matagal na niyang ipinaalam sa asawa niya na ayaw na niyang manatiling kasal sa kanya, ngunit hindi ito pumapayag na sila ay maghiwalay. Ano po ba ang dapat niyang gawin? Maaari po bang magpakasal na lamang kami nang palihim na kaming dalawa lamang ang makaaalam? Naisip po namin ito para maging lehitimo na sana ang aming pagsasama. Sana ay mapayuhan ninyo kami.

 

Gumagalang,

Tin

 

Dear Tin,

 

UNA SA lahat ay nais naming linawin na walang “lihim na kasal”. Kung magpapakasal kayo ng iyong nobyo na kayong dalawa lamang ang makaaalam ay maituturing na walang-bisa ito. Ang mismong legal na kahulugan ng kasal ang nagtatakda na ito ay dapat ganapin sa harap ng taong mayroong awtoridad na magkasal at dapat ay daluhan ng hindi bababa sa dalawang testigo na nasa hustong gulang (Artikulo 3 (3), Family Code of the Philippines). Kaugnay nito, nais naming ipaalam sa iyo na hindi kayo maaaring magpakasal ng iyong nobyo nang palihim.

Maliban dito, hindi rin kayo maaaring magpakasal sa kadahilanang siya ay kasal pa sa kanyang asawa. Tanging ang isang babae at lalaki na may edad labing-walo pataas at walang legal na hadlang lamang ang maaaring magpakasal sa isa’t isa (Artikulo 5, id). Ang pagkakaroon ng asawa ng iyong nobyo ay masasabing isang legal na hadlang. Kung sakali mang makapagpakasal kayo ay maituturing na hindi legal ang inyong pagsasama sapagkat ito ay bigamous marriage. Sa katunayan, maaari pa kayong maharap sa legal na suliranin kung itutuloy ninyo ang binabalak ninyong pagpapakasal. Batay sa Artikulo 349 ng Revised Penal Code: “The penalty of prision mayor shall be imposed upon any person who shall contract a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings.”

Kung totoong nais ng iyong nobyo na maging lehitimo ang inyong relasyon, kailangan ninyo munang maghiwalay upang maayos niya ang kanyang responsibilidad sa taong pinakasalan niya. Kung talagang hindi na niya mahal ang kanyang asawa ay dapat niyang daanin sa legal na paraan ang kanilang paghihiwalay. Kung siya ay mayroong sapat na batayan sa ilalim ng ating batas, maaari niyang hilingin sa hukuman na ipawalang-bisa ito. Tandaan na tanging ang hukuman lamang ang maaaring magdeklara na walang-bisa ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa at ito rin ang magbibigay sa kanya ng kakayahan na pumasok muli sa panibagong relasyon katulad ng nais ninyo.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Related Post

loading...

4 thoughts on “Gustong Magpakasal sa BF na Kasal sa Iba

  1. Hello po attorney..pwede po ba mawalang bisa ang aming kasal ng dati q aswa ..1999 po kmi knasal pero ng 2005 nghiwalay po kmi..pero 17 yrs old lng po aq nun..pineke nla edad q gnwa nilang 21..eh bata po kc aq nun..kya wla aq mgawa..18 yrs na po kmi hiwalay my bf po aq ngsasama na kmi 6 yrs na po.. plano na nmin po magpakasal ..pra legal dw po pagsasama nmin pti mga bata…pwede po aq mgpakasal..ksi mgkaiba po ung edad q nun ska ung totong edad q ngayun..pti po ung pirma q magkaiba po.. slamat po

  2. Dear attorney acosta

    May tanung lng PO ako. nanguntrata PO kaibigan ko ng mga building wiring sa isang malaking companya completo PO cya ng papel kasi may sole PO siya. May project PO kami nakapangalan sa Kanya at sa ibang mga project tapus PO ang nag bi bill ng weekly Yung employee ng pinag contratahan nya pangalan nya PO Tapus iba po ANG pumiperma ng billing linggo linggo.ginawa lng siyang lingguhan ANG sahud. Ngaun PO nag close PO siya sa sole nya kasi PO na takut CYA sa BIR kc PO ANG laki ng weekly bill linggo2x na nakapangalan sa Kanya. Ngaun PO Ano ANG Dapat gawin attorney na makuha nya ANG retention nya PO sa LAHAT ng project kasi PO hinihingian siya ng mga tao sa serbesyo nila kc PO hindi Mag bigay ANG gumagamit sa pangalan nya. Nag close siya Hindi na nya na masikaso ANG mga benefits ng tao dahil Hindi na nya ma’am makaltasan ANG tao lasing PO Nandon sa kabilang project at ANG counter part ng sole or ANG MAG bibigay ng contribution sa mga benefits Inis stop nila Yung gumagamit sa sole nya .attorney Ano po advise nyo PO na ipapataw na case sa tao na ginagamit ANG pangalan nya at makakuha PA kaya siya ng retention sa LAHAT ng project na nakapangalan sa kanya.?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.