Gusto nang tapusin ang high school at mag-college
Angeline Quinto, balak nang mag-enrol sa pasukan!

NAKATSIKAHAN NAMIN, kahit saglit lang, ang isa sa mga close friend ni Ai-Ai delas Alas sa showbiz na si Direk Malu Sevilla na direktor ng sitcom na Todo Max ast Tuesday night sa compound ng Kapamilya Network.

Sa kabila ng mga naisulat ukol sa pagpapakasal umano nina Ai-Ai at boyfriend nitong si Jed Salang sa Las Vegas nang magbakasyon ang dalawa sa Amerika kamakailan lang, nagulat si Direk Malu na pinabubulaanan diumano ito ng panganay na anak ng Comedy Concert Queen na si Sancho.

Ayon sa mga balita, sinabi diumano ni Sancho na magkakasama sila ng kanilang ina at ni Jed sa States, pero wala raw naganap na kasalan.

Pero ang pagkakaalam daw talaga ni Direk Malu ay may plano sina Ai-Ai at Jed na magpakasal sa simbahan ngayong taon na ito.

Nang magkausap daw sila ng aktres sa telepono nu’ng Lunes lang, tinanong n’ya raw ito kung totoo ang balitang nagdadalang-tao ito. “Hindi” raw ang sagot ni Ai-Ai sa kanya at alam din daw ng direktora na sa edad ng kaibigan n’ya ay hindi na nito iri-risk pa ang magbuntis.

 

ISA SA pangtanggal stress ni Vice Ganda ay ang paglalaro ng volleyball kapag hindi hectic ang schedule nito.

May mga kaibigang beki pa nga kami na nagsasabi sa amin na nakalaro raw nila sa volleyball ang komedyante sa isang gym sa San Juan o kaya ay sa Mandaluyong.

Kaya ngayon ay naisipan ni Vice na magkaroon ng The 1st Vice Ganda Cup Volleyball Tournament 2013 na gaganapin sa Jose Rizal University (JRU) Gymnasium in Mandaluyong City tomorrow, Saturday, April 13, at 11 am.

Gaganapin naman ang finals nito kinabukasan, Linggo, April 14, sa Far Eastern University (FEU) Gymnasium in Sampaloc, Manila at 5 pm.

Malamang ay dadalo ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Vice from showbiz at UAAP.

Darating kaya ang special someone ni Vice? Hahaha!

 

TOTOO KAYA ang naulinigan namin na binabalak daw bumalik ng pag-aaral ni Angeline Quinto sa darating na June?

Well, kung sakaling totoo man ito, magandang desisyon ito na gagawin ng singer-actress.

Napag-alaman namin na third year high school pa lang ang natatapos ni Angge, palayaw ng Kahit Konting Pagtingin lead star. Pero pangarap pa rin nitong tapusin ang high school at magdire-diretso ng college.

 

HABANG LALONG umiinit ang epicserye na Indio, mas lalo pang napapamahal si Sen. Bong Revilla rito. Ayon nga sa kabiyak ni Congresswoman Lani Mercado, sa lahat daw ng mga ginawa nitong TV shows sa GMA-7, ang Indio raw ang pinagbuhusan nito ng lahat ng nalalaman sa pag-arte at isinabuhay ang ginampanan nitong role. “Kaya naman sobra ang pagsisipag natin sa taping para lalo pa natin mapaganda ang Indio,” sabi ng senador.

Kaya habang naka-recess ang senado ay todo-kayod ang butihing ama ni Jolo Revilla sa ipinagmamalaki nitong epicserye at sa isa pa nitong show na Kap’s Amazing Stories sa Kapuso Network din.

Pero sa kabisihan ni Sen. Bong sa kanyang tapings ay pinipilit pa rin nitong magkaroon ng oras para sa kanyang buong pamilya at umuwi sa kanilang mansion sa Cavite para dalawin at kumustahin ang kanyang ama na si Don Ramon Revilla, Sr., ganoon din ang kanilang mga kaibigan.

 Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

3 thoughts on “Gusto nang tapusin ang high school at mag-college
Angeline Quinto, balak nang mag-enrol sa pasukan!

  1. TAMA YAN, ANGELINE. MARANASAN MO RIN ANG MAG-4TH YR. ARAL KA NG PHYSICS, ADVANCED ALGEBRA O CALCULUS, TRIGO, EL FILI, WORLD HISTORY, AT KUNG ANIK-ANIK PA. KAYONG MGA ARTISTA, PALIBHASA KUMIKITA NG MALAKI, ISINASANTABI NYO NA LANG ANG PAG-AARAL, TAPOS, PAG NAGKAJUNAKIS NA KAYO, NI HINDI NYO SILA MATURUAN O MA-GUIDE MAN LANG. KAKAAWA SILA. MAGE-EXCUSE NA LANG KAYO NA ABSENT KAYO NUNG ITINURO ANG MGA YON. HAHAHA. PASALAMAT KAYO MAY PERA KAYO. ANG DAMING PINOY NA DI MAN LANG MAKAPAG-ARAL KAHIT ELEMENTARY DAHIL WALANG KAPERA-PERA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.