Gusto Nang Kumalas; Bebot, Bugbog-Sarado sa Ka-Live-In

PASA AT bukol sa katawan ang tinamo ng isang bebot matapos itong pagsasampalin at suntukin sa sikmura ng kanyang ka-live-in makaraan ang pagtatalo dahil gusto nang makipagkalas ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Halos mamaga ang magkabilang pisngi ng biktimang si Ana Teresa Bernabe, 31 ng Phase 3F-1, Dagat-dagatan ng lungsod.

Nadakip naman ang ka-live-in ng biktima na si Jerry Abesia, 34, ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi, nagtatalo ang mag-live-in sa loob ng kanilang bahay dahil gusto nang makipaghiway ng biktima na ikinagalit ng suspek.

Pinagsasampal ng suspek ang biktima at bago lumabas ng bahay ay sinikmuraan ni Abesia si Bernabe sabay binantaan na “kapag iniwan mo ako, isa sa atin ang mamatay” bago lumabas ng bahay ang una.

Nagsumbong sa mga barangay tanod ang biktima na naging dahilan upang damputin ang suspek bago dalhin sa presinto. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.