Gusto nang kumalas Bebot, Binoga; Ka-Live In, Nagpatiwakal

DAHIL SA pagtangging makipaghiwalay, binaril ng desperadong mister ang kanyang ka-live-in bago nagpatiwakal sa Sitio Canapnapan, Barangay Campo 8, Toledo City, Cebu kamakailan.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Sheila Paraiso, 18; habang nagbaril naman sa sarili si Jesus Eredias, 32.

Base sa report ni PO3 Alfredo Barquin na nakarating sa Camp Crame, binaril ng salarin ang biktima dahil gustong makipagkalas ng babae sa kanilang relasyon.

Ang dalawa ay narinig pa ng mga kapit-bahay na nag-aaway sa loob ng kanilang tahanan nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril bandang alas-9 ng umaga.

Nabatid na napundi na ang babae sa suspek dahil sa sobrang seloso nito na palaging humahantong sa madalas na pag-aaway.

Lumalabas sa pagsisiyasat, nag-alsa balutan si Paraiso at akmang lalabas na ng pintuan nang barilin ni Eredias nang tumanggi ang ginang na paawat sa pag-alis.

Matapos na barilin ang babae ay nagbaril din sa sarili si Eredias.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang suicide note ni Eredias at ang improvised shotgun.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.