GUSTO ko na lang isipin that generally, comedians should not be taken seriously – literally, that is – dahil natural na sa kanila ang magpatawa rather than do otherwise.

GUSTO ko na lang isipin that generally, comedians should not be taken seriously – literally, that is – dahil natural na sa kanila ang magpatawa rather than do otherwise.

Pero ibang klase para sa akin ang isang sikat na komedyante. All throughout his career na yata, mahirap siyang makunan ng interview unless he has a project – TV or movie – to promote kung saan obligado nga naman siyang magpaunlak ng panayam. Understandably enough, sikat naman kasi siya, he does not need an ounce of publicity even if he’s a newsmaker as far as his “stormy affair” with a TV host (more than 20 years his junior!) is concerned.

Nagpapaka-consistent lang siguro ang popular comedian na ito in terms of his not-so-friendly stance. Siya kasi ‘yung tipong mapapahiya ang sinumang reporter – even the likes of a respected journalist tasked to interview Hollywood stars – na tanungin siya about personal issues, most specially bordering on his lovelife.

May pagka-pilosopong ewan ang tanyag na komedyante, ewan din kung defense mechanism lang din niya ‘yon to parry sensible questions by way of careless, insensitive and insulting answers. Still, nalulusutan pa rin naman niya ang ugaling ‘yon… thanks to a broadminded working press na natatawa na lang sa kanyang karakter sa pelikula, but who scoff at his don’t-dare-come-near-me attitude.

(Ronnie Carrasco)

Previous articleWalk with the Stars
Next articleKINSA Siya? May pagmamalaki pang ikinuwento sa akin ng isang gay comedian ang kanyang karanasan isang gabing nangangailangan siya ng ‘dilig’ sa kanyang nanunuyong bukid.

No posts to display